chapter 31

7.2K 256 53
                                        

Nagkamali ako ng tansya, so imbis na last part na ito ay pangalawa sa huli na ito bago ang epilogue. Haha. Sorry sa mga Team Race. Walang poreber. Lol. Blace lang ang meron. Haha. *evil laugh*

***

Chapter 31 - "Her feelings"

Naramdaman ni Ace ang paghaplos sa kanyang mukha na siyang nakapag pagising sa kanyang diwa mula sa mahimbing na pagkakatulog. Mula sa nanlalabong mata ay naaninag niya ang bulto ng tao na nakaupo sa tabi ng kama.

"Black?" Ginusot niya ang mata para masigurado sa nakikita. "Black!" Hindi niya napigilan ang sarili at niyakap na ito, kaagad naman itong gumanti ng yakap at hinaplos ang kanyang likod. "Akala ko katapusan ko na." Humahagulgol na wika niya. "Akala ko makukuha na ako ni Ryu, buti na lang at dumating ka."

"Everything is okay now, Ace. Hindi ka na niya makukuha rito."

"Akala ko ligtas na ako, akala ko tapos na. Bakit ba ayaw niya pa akong tigilan?" Naguguluhang tanong niya rito. "Hindi ba siya talaga titigil hangga't hindi niya nakukuha ang buhay ko? Natatakot ako, Black."

Linayo siya nito at pinunasan ang mga luhang dumaloy sa kanyang mukha.

"Pinaghahanap na ng mga Sorem ngayon si Ryu. Wag kang mag-alala, hindi niya tayo mahahanap dito." Wika pa nito.

"Nasaan ba tayo?" Tanong niya ng inilibot ang paningin sa paligid. Malayo ito sa lugar nila Cleo. Magkahalong puti at itim ang disenyo ng paligid ng silid at halatang mamahalin ang mga kagamitan. Parang napakasarap tumira sa lugar na ito.

"Nasa malayong lugar na mahirap hanapin." Simpleng sagot nito. "Magpahinga ka pa, at ipaghahain kita ng makakaen para bumalik ang lakas mo."

Marahan siyang tumango at muling bumalik sa pagkakahiga sa malambot na kama. Nakatingin lang siya kay Black na mataman pa rin na nakatingin sa kanya.

"Salamat, Black."

He smiled and held her hand. May kakaibang kuryente ang dumaloy sa kanya ng maramdaman ang labi nito na dumantay sa likod ng kanyang kamay.

"Rest now, My lovely, Ace."

***

Ilang araw nang nanatili silang dalawa ni Black sa lugar na ito. Hindi na pinaalam ni Black sa kanya kung nasaan sila, kapag nagtutungo siya sa veranda para tanawin ang paligid ay tanging masukal na kagubatan lamang ang nakikita niyang nakapaligid sa tila malamansyon na bahay na ito.

Hindi na rin mahalaga kung nasaan sila, ang mahalaga ay malayo siya sa panganib.

"Black, may balita na ba? Nahuli na ba nila si Ryu?" Tanong ni Ace nang maabutan siya ni Black sa garden na nakaupo sa tabi ng fountain.

Umiling ito at naupo sa tabi niya. "Wala pa rin. But don't worry too much, nandito naman ako para protektahan ka."

She smiled. Hindi niya alam kung bakit kakaibang pakiramdam ang nararamdaman niya kay Black simula nang mapunta sila sa lugar na iyon. Magaan sa pakiramdam na parang bawat salita nito ay nakakapag pagaan ng damdamin niya. Siguro ay dahil naninibago lang siya sa trato na pinapakita sa kanya ni Black. Naging maalaga kasi ito sa kanya.

Habang tumatagal ay nawawala na rin ang mga alalahanin niya dahil sa pag-aalaga ni Black sa kanya. Pakiramdam niya ay napaka-esisyal niya sa munting paraiso na ito dahil sa prinsesang turing sa kanya ni Black.

"Naiinip ka na ba dito?" Tanong nito habang dumantay ang palad nito sa kanyang likuran.

"Hindi pa naman. Mas gusto ko nga rito, payapa."

The Outcast from hell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon