chapter 21

8K 288 28
                                    

"I have found so much beauty in the dark as I have found a lot of horrors in the light" -- anonymous

***

Chapter 21 - "Mark of the beast "

"Bakit hindi pa rin nagigising si Ryu hanggang ngayon?" Tanong ni Ace kay Black nang puntahan niya ulit si Ryu sa silid kung saan ito nagpapahinga. Dalawang araw na itong hindi nagkakamalay at ang pakpak nitong itim ay patuloy sa paglalagas.

"Epekto lang yan ng ginawa ni Sapherus, magkakamalay din siya ano mang oras." Sagot ni Black na abala sa pakikipaglaro nito sa bagong alaga na 'White' din ang ipinangalan.

Pinagmasdan niyang muli ang kabuuhan ng anyo ni Ryu. Kaunting bahagi lang ng katawan at mukha nito ang nasisilayan niya dahil nakabalot pa rin ito sa sariling pakpak. Napakapayapa ng mukha nito habang natutulog at wala ang nararamdaman niyang negatibo nitong aura na madalas niyang maramdaman kay Ryu lalo na kapag galit ito.

Nakakatawang isipin sa tagal niya na itong nakilala ay hindi mo aakalaing isa pala itong anghel---mali, demonyo pala. Akala pa naman niya ay miyembro ito dati ng isang kulto o ano. Kaya pala ayaw nitong binabanggit ang pangalan ng nasa itaas. Talaga bang galit ang mga Demonyo sa may lumikha? Hindi siya palabasa ng bible hindi katulad ng parents niya. Ang alam lang niya dahil sa kasakiman ng isang anghel sa kapangyarihan kaya ito pinatapon sa impyerno at sumunod ang ibang anghel dito.

Sa totoo lang ay kaunting bagay pa lang ang malinaw sa kanya. Hindi na siguro mahalaga sa kanya na alamin pa ang lahat. Ang gusto niya lang ay maging normal ang lahat, bumalik sa dati ang buhay niya. No demons involve.

"Are you hungry?" Tanong ni Black.

Tumango siya bilang tugon. Sa pagkakaalala sa pagkaen ay na-miss niya tuloy ang mga pagkaen na hinahanda ng mommy niya. Sa pagkaka alala ng kanyang ina ay nakaramdam siya muli ng lungkot.

"Kukuha muna kita." Paalam ni Black. Umalis ito at sumunod din ang alagang aso.

Naiwan siya sa silid kasama ang natutulog na si Ryu. Pinagmasdan niya ang mga pakpak nito nito na gumagalaw sa kada paghinga na ginagawa ni Ryu. Parang may mga sariling buhay iyon. It fascinated and scare her at the same time. Dahil na rin sa curiosity ay lumapit siya at naupo sa kamang kinahihigaan ni Ryu.

Napakaganda siguro nitong pagmasdan lalo kung buo ito at walang nalalagas na balahibo. Kakaiba rin ang iilang puting balahibo na namumukodtangi sa itim na pakpak nito.

She took a deep breath before reaching out to it. Hindi pa man niya nahahawakan ay gumalaw ulit iyon kaya napahinto siya at tinignan si Ryu. Tulog pa rin ito. Good. Slowly but surely she touched the black wings. Kakaiba ang naramdaman niya ng dumampi sa kanyang balat ang itim na pakpak. Napakalambot niyon at masarap hawakan. She caressed her hand into it. Ramdam na ramdam niya ang bawat galaw nito. She traced her finger in it until she reached the tip where his back connected to the wings. Ngayon ay hindi na ang pakpak nito ang hawak niya kundi ang makinis na balat ni Ryu. Namamangha siya sa kung papaano nagdurugtong ang malaking mga pakpak sa katawan nito at kung papaano naitatago ni Ryu ang mga iyon. Para kasing napakahirap ipaliwanag na kakasya ang malalaking pakpak nito sa katawan ni Ryu. Sakto lang naman ang hubog ng katawan ni Ryu.

Sa sobrang engrossed niya ay hindi niya namalayan ang mga matang nakatingin na sa kanya. She felt his wings vibrated. Napatingin siya sa mukha ni Ryu at nagulat na lang ng makitang gising na pala ito at matalim ang mga titig na binibigay sa kanya. Sa sobrang gulat ay hindi agad siya nakapag salita o nakakilos man lang.

His eyes scanned her face with curiosity.

"R-ryu... gising ka na." Sa wakas ay nasabi niya. Aatras na sana siya para lumayo rito ng mabilis nitong nahawakan ang kamay niya. She didn't even realized what happened until she felt something warm wrapped in her skin.

The Outcast from hell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon