There is a creature that stalks you all your life. The creature has no name. It watches your every move. Even now the creature is watching you.
***
Chapter 25 - "Luke"
"BOO!"
Napasigaw siya ng yakapin siya ng nilalang na nakabalot sa itim na tela dahilan para tuluyan na siyang lamunin ng kadiliman.
"Ace!"
"Ace, wake up!"
Humahangos na napatayo si Ace sa kanyang kinauupuan nang magising mula sa isang masamang panaginip.Daig pa niya ang tumakbo sa karera sa pawis na namumuo sa kanyang katawan at dumoble ang bilis ng kanyang puso na parang anumang oras ay aatakihin siya sa puso.
Ilang pares ng mga mata ang nakatingin sa kanya na wari'y sinusuri siya.
It was just a dream! Sigaw niya sa isip.
Nasa classroom pa rin siya at lahat ng mga kaklase niya ay nakatingin sa kanya pati na ang professor niya sa huling subject.
"Ok ka lang?" Tanong ni Luke na nasa katabi niyang upuan. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.
"Ms. Clemente, care to tell me why are you sleeping in my class?" Her professor asked.
Parang wala pa rin siya sa sarili at nilingon pa kung totoo ba ang lahat ng mga nakikita niya. Nasa classroom pa rin nga siya at wala ang lalaking naka itim na sumusunod sa kanya. Napatingin din siya kay Ryu pero hindi ito nakatingin sa kanya kundi sa labas ng bintana.
"Peace Clemente." Tawag ulit ng prof niya.
"I-I...uhm, sorry po." Umupo na ulit siya at nag-iwas ng tingin sa mga mapanuring mga mata.
How she wanted this day to end.
Napasulyap siya kay Luke ng nakatingin pa rin ito sa kanya.
"Are you okay?" He whispered. "Ang putla mo."
"O-okay lang ako." Ngumiti siya ng pilit.
Tumango naman ito bago binalik ang atensyon sa guro nila. Hanggang matapos ang klase ay lumilipad pa rin ang isip niya.
Malinaw na malinaw pa rin sa kanya ang napanaginipan na parang nangyari talaga.
"I only have two choices that I can get from you Ace. Your body or your soul."
Kinilabutan na naman siya ng maalala ang sinabi ng nilalang sa panaginip niya.
"Hindi ka pa aalis?"
Napaangat siya ng tingin ng magsalita si Luke. Nakatayo ito sa harap niya at ang mga kaklase niya ay nagsisilabasan na. Maski si Ryu ay wala na sa upuan nito.
"Ah, oo." Kinuha niya na ang mga gamit bago tumayo at lumabas ng room.
"Ah, Ace sabay na tayo palabas, okay lang?"
"Sige." She replied dryly. Mabuti na sigurong itong may kasabay siya maglakad palabas kesa mag-isa lang siya. Natatakot siyang baka mangyari ang sa panaginip niya at sa pagkakataong ito ay totoo na talaga.
Napasulyap siya sa lalaking kasama. Kung dati ay nakakaramdam pa siya ng pagkailang kay Luke, ngayon ay wala na. Parang lahat na lang ng nasa paligid niya ay mga tao na hindi niya lubusan na kilala. Simula nang mangyari sa kanya ang mga ito ay hindi niya na alam kung sino ang dapat pagkatiwalaan sa hindi.
"Luke!"
Napahinto si Luke nang may tumawag na babae rito. "Oh, sophie, bakit?"
"Ah, babalik ko lang yung notes na hiniram ko. Here." Nakangiti ito kay Luke bago nabaling ang atensyon sa kanya. "Hi." She smiled sweetly.
BINABASA MO ANG
The Outcast from hell [COMPLETED]
Fantasia"He tried to rape me once, I almost kill him twice."