Chapter 12

8.3K 488 24
                                        

Chapter dedicated to @dianareign20 ito na ang tamang panahon para mag update. Thank you for waiting. muah!

Chapter 12 - "The thirsty beast"

NAGTATAKANG napatingin siya sa mukha ni Ryu na nakatingin din sa kanya. Nakangisi pa rin ito pero batid niyang merong kakaiba kay ryu ngayon.

"H-hindi kita maintindihin."

"Of course you wouldn't understand."

Pagkasabi nito niyon ay bigla na lang nitong pinaandar ang sasakayan at halos mapatili siya ng banggain nito ang mga aso sa kanilang harapan. Umalog ang kotse nang may masagasaan sila. Hindi pa nakuntento si ryu at iniatras pa nito ulit ang kotse sa mga kawawang aso.

"RYU! STOP!" sigaw niya. Takot na takot siya ng mga sandaling iyon. hindi sa mga malalaking aso kundi sa lalaking katabi niya. "Please stop!"

Hindi siya nito pinansin at patuloy lang sa ginagawang atras abante sa mga katawan ng asong nasagasaan. Napapikit na siya takot na makita ang mga kahindik hindik na eksena.

"Please... stop." Her voice break. Isa isa nang nagbagsakan ang mga luha mula sa kanyang mga mata. "Maawa ka sa kanila, Ryu."

"Hindi sila dapat kaawan, Ace." Puno ng pait na turan nito. Ngayon niya lang narinig ito na ganito ang tono ng pananalita. "Buksan mo ang mga mata mo, sa tingin mo ba dapat silang kaawaan?"

Umiling siya at patuloy na humihikbi.
Nagulanta lang siya sa kanyang kinauupan ng may kumalabog sa bintana ng kotse. Naimulat niya ang kanyang mga mata at napatingin sa bintana... nanlalaki ang mga mata niya sa nasaksihan.

Ang malaking aso na akala niya ay patay na ay nakatingin sa kanila at mas lalong bumangis ang mukha. Nalalagas ang buhok nito at naging purong itim ang mga mata. Unti unti ring humahaba ang matutulis nitong mga pangil.

Isang kalabog ulit ang narinig niya pero ngayon ay nasa bubong na ng sinasakyan nila.

"R-ryu... anong nangyayare?" Naguguluhang tanong niya. Hindi kapani paniwala ang kanyang mga nasasaksihan.

"Gusto mo pa bang makipag laro sa kanila, Ace?"

Sunod sunod ang iling na ginawa niya. "Please, ryu, umalis na tayo dito."

Hindi na muling nagsalita si ryu at mabilis nang pinaandar ang sasakyan. Nakita niya pa sa side mirror na humahabol pa rin ang mga malalaking aso sa kanila.

"Ano bang nangyayari, Ryu? Ano ang mga iyon?" Naguguluhang tanong niya dito. Sigurado siyang hindi ordinaryong aso ang mga iyon base sa nakita niya. Pero ano ang mga ito? Ito ba yung mga nababasa at napapanood niya sa t.v na mga werewolves? Para kasing ganun. pero malabo. iba ang mga itsura ng mga ito kumpara sa mga napapanood niya.

Hindi sinagot ni ryu ang kanyang tanong pero napapansin niyang pagsulyap nito sa side mirror. Napahawak na siya sa kanyang seatbelt nang lalo pang bumilis ang pagpapatakbo ni ryu.

Lumiko si ryu nang may makita silang daan. Muntikan pa siyang mauntog sa ginawa nito dahil sa bilis ng takbo nila.

"Ryu... itigil mo na to please." pakiusap niya nang hindi na maaninag ang mga humahabol sa kanila. Nararamdaman niya na rin ang unti unting pagkahilo dahil sa makailang ulit na paglikong ginawa ni ryu. Pakiramdam niya ay naka sakay sila sa roller coaster.

Binilisan pa ni ryu ang pagpapatakbo at halos mapatili siya ng bigla itong nag preno. Kahit may suot na seatbelt ay naalog pa rin siya sa kinauupuan.

"Baba!" Sigaw nito sa kanya.

Nahihilong napa hawak siya sa kanyang ulo. Pakiramdam niya ay umaalog ang sasakyan niya. Unti unting nanlalabo ang kanyang paningin.

Napatingin siya sa lalaking katabi. "R-ryu... nahihilo ako." Pabulong niyang turan dito.

The Outcast from hell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon