There's a hole in the world like a great black pit, and it's filled with people, who are filled with shit.
--Sweeney Todd
***
Chapter 19 - "The black wings"
"BANTAYAN ninyong mabuti ang lugar. Hindi dapat makalabas si Waren."
"Pero lubhang mapanganib siya ngayon..."
"Humingi na ng tulong si Black... ang Sorem na ang bahala sa kanya..."
Humina na ang mga tinig na naririnig ni Ace sa paligid na tila ba nagbubulungan na lang ang mga ito.
Napakainit ng pakiramdam niya at tila tuyong tuyo ang lalamunan niya. She slowly opened her eyes. Tama nga ang hinala niya, nasa isang silid ulit siya at nakahiga sa kama. Pero wala na si Cleo at ang kausap nito.
She tried to recall what happened. Ang pagpasok niya sa kwartong iyon, si Luna, ang mga itim na mata nito, ang kakaibang sakit na naramdaman niya... tapos, tapos ang pamamanhid ng katawan niya at ang huli niyang naaalala ay ang puting usok na lumabas sa bibig niya. Sumakit bigla ang ulo niya.
"Peace."
Biglang sumulpot sa harapan niya si Cleo nang hindi niya namamalayan. Pero kanina wala naman ito rito sa silid. She swear he just popped out of nowhere.
Seryoso ang mukha nitong nakatingin sa kanya at parang may bahid ng pagkainis.
"Binalaan na kita na wag tumingin sa mga mata niya diba? Pero ano itong ginawa mo? Nasa panganib ang lahat na narito ng dahil sa iyo."
Naguguluhan siya sa sinabi nito. Dahil sa kanya? Ano bang ginawa niya? Teka... oo nga pala may mali siya... sinuway niya ang utos nito. She mentally facepalm herself. Pero ano ang kinalaman nun sa mga nangyayari? Anong ibig sabihin nitong nasa panganib ang lahat?
Nakarinig sila ng ingay sa labas. Mga nagsisigawan at tila ba nagkakagulo.
"Sh!t." Napamura si Cleo at biglang umalis---teka hindi! Bigla na lang ulit itong nawala sa harapan niya!
Ilang beses siyang napakurap at iniisip kung tama ba ang nakita niya... bigla na lang itong nawala. Normal ba yun? Definitely not. Wala na nga atang normal na nangyayari sa kanya ngayon.
Hindi rin normal ang mga nakikita niya. Itim na mga mata, puting usok, malalaking aso, sinasaniban at biglang nawawalang tao sa harap niya. Walang normal sa mga iyon.
Napailing siya na tila wala sa sarili. Baka panaginip lang itong mga nangyayari sa kanya... hindi kaya matagal na pala siyang nanaginip at mamaya ay magigising na lang siya? Oo tama. Baka nga isang panaginip lamang ang mga nangyayari sa kanya ngayon. That explains everything! Paano naman kasi mangyayari ang ganitong bagay?
Tama! panaginip lang ang lahat ng ito at panigurado ay magigising din siya.
"Ace!"
"Ahh!" Tili niya ng sumulpot ulit bigla sa harap niya si Cleo napatayo tuloy siya ng di oras.
"Kailangan na nating umali---"
Hindi nito natapos ang sasabihin ng biglang bumukas---rather nasira ang pinto sa kwartong iyon at nakatayo sa labas si Ryu...na halos duguan ang katawan nito at walang damit pang itaas.
She was mortified by his appearance. Nakangiti itong nakatingin sa kanila at kagaya ni Luna ay itim din ang mga mata nito.
"Fvck." Mura ni Cleo. Humakbang ito palapit kay Ryu pero nagulat siya nang bigla na lang itong tumilapon sa pader pero wala namang tumutulak dito. Cleo groaned in pain.
BINABASA MO ANG
The Outcast from hell [COMPLETED]
Fantasy"He tried to rape me once, I almost kill him twice."
![The Outcast from hell [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/41495661-64-k150813.jpg)