***
Chapter 5 - "invite"
Napuno agad ng bulong-bulungan ang classroom nila ng pumasok si ryu. Samantalang parang balewala lang dito ang mga tinging ipinupukol ng mga tao sa paligid.
Pagkatapos kasi ng one week suspension nito at tatlong araw na pagliban sa klase ay ngayon lang ulit ito pumasok. Kagaya ng dati ay ganoon padin ang aura nito.
Pero kung katulad lang siguro ng dati ay kaya niya pang tignan ito kahit sulyap lang ngayon ay hindi na. Pagkatapos ng ginawa nito sa kanya. hindi na niya kakayanin pa siguro na sulyapan man lang ito dahil sa takot.
Buong gabi siyang umiyak nang araw na mangyari iyon. sino ba naman ang hindi maiiyak kung muntikan nang mapahamak ang buhay mo. Maling mali talaga ang desisyon niya na lapitan pa ito.
"So I will be dividing you into groups, 3 members each..." sabi ng prof nila ng mag-umpisa na ang klase.
In-announce ng prof nila ang mga grupo na mag kakapareha para sa project nila ngayong semester. And ho and behold, mukhang malas ata siya.
"Clemente, cervantes and castro, your group number four..."
Oh No. Yung dapat na iiwasan niya nang buong sem ay makakasama pa niya sa isang school project. Malas talaga! Tatlo naman sila eh, ang kaso ang nasama pa sa grupo nila ay yung classmate niya na laging absent.
Ramdam na ramdam niya ang presensya ni ryu sa likuran niya. Paano na ngayon ito? Hindi naman pwedeng gawin niya ang project ng mag-isa at hayaan nalang si ryu. Tiyak mag-tatanong ang prof niya at lalong hindi niya pwedeng sabihin na kaya siya lang ang mag-isang gumawa ay dahil takot siya kay ryu. Baka kausapin pa nito si ryu kung nagkataon.
Sa sobra atang engrossed niya sa pag-iisip buong maghapon ng paraan para masulusyunan ang problema niya ay mabilis lumipas ang oras sa kanya.
"By tomorrow I hope each group have their draft of plan. kaya pag-usapan niyo na ang gagawin ngayon palang." Anunsyo ng guro bago sila tuluyang lumabas.
"Ace."
Napalingon siya sa lalaking tumawag sa kanya. Si luke. Nakangiti itong lumapit sa kanya.
"Going home?" tanong nito.
"Oo, eh."
"Hindi ba kayo mag-memeeting ng mga ka grupo mo?"
Sumulyap siya sa pinto kung saan kalalabas lang ni ryu. Tsk. Mukhang wala din naman itong balak kausapin siya tungkol sa project nila.
Umiling siya bilang sagot.
"Oh, ok. Gusto sana kitang ihatid kaya lang may meeting pa kami. And I don't want you to keep waiting."
Hindi niya mapigilang mag-blush sa sinabi nito. Siya? Gustong ihatid ni Luke?
"Naku, hindi na. Hindi mo naman kailangan ihatid pa ako."
"But I want to. I mean..." napakamot ito ng batok at nahihiyang tumingin sa kanya. "We're friends right?"
"Ha? Ah eh, oo naman." She gave him her sweetest smile. Bakit ba ang gaan ng loob niya kay Luke? "Pero hindi mo na kailangan mag-abala na ihatid ako. Maybe next time."
"Talaga? Ok. Next time." Lumingon ito sa mga ka-grupo nang tawagin ito. "I'll see you tomorrow, ace. bye."
"Bye."
***
Diretso lang ang tingin niya habang tinatahak ang daan papasok sa lugar nila. Hindi pa gaanong nade-develop ang lugar nila kaya may mga malalaking puno padin at lumang bahay na nagkalat sa paligid. pero maganda na iyon dahil sariwa ang hangin kung ikukumpara sa ibang lugar.
Sinipa niya ang batong nakita niyang naka-kalat sa daan habang naglalakad. Papaliko na siya sa kanto nila ng bumangga siya sa isang matigas na bagay. Mabuti nalang ay hindi siya natumba.
Pero ang inaakala niyang bagay ay tao pala. Si ryu.
Seryoso itong nakatingin, pero hindi sa kanya kundi sa likuran niya kaya naman napalingon din siya sa tinitignan nito at wala namang nakita. nakalimutan niyang weird nga pala itong si ryu.
Hindi na siya nagsalita at sinubukang lampasan nalang ito.
"Ace..."
Napahinto agad siya ng marinig ang boses nito na siyang nag-bibigay sa kanya ng kakaibang kilabot.
"Come with me." Sabi nito.
nilingon niya ito para makitang nakatingin din ito sa kanya. She felt another cold air brushed her skin.
Ano daw? Is he asking her to come with him?
iling agad ang sinagot niya dito. Bakit nito siya niyayayang sumama? Balak na ba siya nitong patayin?
"Wala ka bang balak gawin ang project natin? Are you one of those people who let their groupmates do all the work?" Inis na tanong nito.
Huh? Ano daw? Hindi niya ata naintindihan ang punto nito. "H-huh?"
"Are we going to do our fvcking project or not?" bakas na sa mukha nito ang pag-kainis.
Project? oo nga pala! Ibig sabihin ay niyayaya siya nito gawin ang kanilang project? Pero... pero paano kung patibong lang ito ni ryu at may plano pala itong gawin na hindi maganda sa kanya? Oh great! Napaparanoid na talaga siya.
"I don't have all the time in the world, ace. I don't have the patience when dealings with humans."
Napa-ismid siya. Kung hindi lang talaga mahalaga ang project nila eh. tsaka siguro, mabuti na nga na ito na ang nagyaya. At least hindi na siya mahihirapan.
"S-saan natin gagawin?" She asked stuttering. Calm down ace! wag mong pakita na natatakot ka sa kanya!
"My house."
"Hah! sa bahay mo? H-hindi pwede. My parents would kill me if they find out that I'm with you. They don't want me near you---" Oh great! Her and her big mouth. "I mean---"
"Shut the fvck up! Wether your coming or not, I don't really care. I don't want you entering my house either."
Huh? Kanina lang niyayaya siya nito tapos ngayon, wala namadm pala itong pake kung sumama siya o hindi. medyo magulo din itong si ryu.
Akmang lalampasan siya nito ng pigilan niya.
"I'm sorry, that's not really what I meant. Ano kasi---"
"Forget it. sasama ka ba o hindi?"
"S-sama na."
***
BINABASA MO ANG
The Outcast from hell [COMPLETED]
Fantasia"He tried to rape me once, I almost kill him twice."