"Ate lala"
Simula pa kanina ng makarating kami sa parte nang daan na halos mga puno lang ang nakikita ko.
Mayayabong na mga puno na parang napaglipasan na ng panahon dahil sa taas ng mga ito.
Ni isang bahay sa paligid ay wala akong nakikita. Hindi ko maiwasang mag-isip na
para itong katulad sa mga movies na may mga nakakatakot na nangyayari."Ate."
I must admit it's feels more relaxing and calming compare sa lugar namin. Hindi maingay at makalat. Mas gugustuhin ko nalang na tumira sa ganitong lugar kung papapiliin ako.
"Ate lala!"
Saglit kong nilingon ang kapatid ko dahil sa boses niya. Nakasimangot na siya ngayon sa 'kin.
Ally, bakit? Masama ba ang pakiramdam mo?" Pilit kong inaabot ang bag sa backseat, kung saan nandoon ang dala kong gamot para sa hilo niya.
"Hindi po." salita niya ng akmang bubuksan ko ang gamot na hawak ko para sana ipahid sa ulo nito.
"Hindi mo 'ko pinapansin kanina pa po kita tinatawag," nakanguso na siya ngayon sa akin na kala mo inapi.
Nakukunsenya naman akong tumingin sa kanya.
"I'm sorry, ano ba yon?" Nilingon ko ulit ito at agad ding binalik ang tingin sa daan. Though mabagal lang naman ang pagpapatakbo ko ng sasakyan, pero hindi ko pa rin talaga maiwasang mag-alala kapag nag-dadrive ng sasakyan. As much as possible ayaw kong malingat ng tingin para iwas disgrasya.
"Kay Mama La na po tayo titira, ate?"
I lost my word for a moment. Hindi ko pa talaga kasi nasasabi sa kanya na simula ngayon doon na kami titira kay Mama La.
I cleared my throat.
"Ayaw mo ba don?" I asked her. She was already looking at me when I glanced at her.
"Hindi naman po, mas gusto ko pa nga po kay mama la tayo. Ayoko na pong bumalik sa atin" humigpit ang pag kapit ko sa manibela dahil sa narinig.
I too..
Ayoko din na bumalik pa kami don. Ayokong maranasan ulit ng kapatid ko ang matulog ng gutom, at mang hingi sa kabit bahay ng pagkain. Ayokong maging utusan kami ng mga kamag anak namin don.
That's right, para kaming naging alila sa loob ng pamamahay namin.
Sa side ito ng mama ko, no scratch that. Lugar iyon ng adoptive parents ni mama. Yes, hindi tunay na magulang ni mama, ang mga yumaong nagtayong magulang niya. Meaning step sister niya mga tiyahin namin don.
Habang si Mama La, ay Mom ni Papa.
Nag iisang anak lang si Papa kaya nag-iisang pamilya na lang kami ngayon ni Mama La."I promise hindi na tayo babalik don."
"Talaga ate!?" Nilingon ko siya saglit.
Hindi ko na napigilang mapangiti ng makita ang tuwa sa mukha ng kapatid ko."Pero ate pano natin mabibisita si mama at papa?" again humigpit ang paghawak ko sa manibela.
Right our parents..
"Dadalawin natin ang puntod nila at uuwi agad dito."
I tried so hard not to break down in front of her. I'm her older sister, and I need to be strong in front of her. Ayokong isipin niya na mahina ako.
Hindi ko narinig pang nagsalita ang kapatid ko kaya nilingon ko siya saglit. Nakatuon lang ang tingin niya sa labas habang mahigpit na hawak ang plushie na bili pa sa kanya ni Papa.
