Ni

1.5K 72 0
                                    


"Ate kain tayo don." Turo niya sa isang fast food chain hindi kalayuan sa kinatatayuan namin ngayon.

Sobrang haba ng pila sa loob dahil kita mula rito ang mga taong nakapila.

I looked at my sister who's already looking at me.

Hindi ko tuloy alam kong papasok ba kami don at makikipila din. Ayaw pa naman niya ng maraming taong nakapalibot sa kanya dahil nahihilo daw siya. She's really a fan of crowded places like my mother.

"Drive thru nalang tayo?" Suggestion ko sa kanya. Mas okay kasi ito unlike na pipila kami.

Lihim akong napangiti dahil mas nauna pa siyang sumakay sa sasakyan.

Kasalukuyang nasa labas kami ngayon ng school niya. Katatapos ko lang ipa-enroll ang kapatid ko sa bago niyang school. Grade 7 na siya ngayon. Hindi naman kami tumagal dahil mabilis ang proseso ng pag-enroll niya.

"Ang bagal mo mag lakad Ate lala!" Bungad agad niya sa akin ng maka-upo ako sa driver seat.

Hindi nalang ako umimik at pinaandar ang sasakyan.




"Ang kalat mong kumain" pahid ko sa pisngi niya dahil ang dungis dungis niyang kumain.

This kid really. Una kasing niyang pinagdiskitahan ang ice cream kaysa sa kanin na binili namin.

Kinuha ko ang paper bag sa tabi at sinimulan itong buksan. Hindi ko maiwasang madismaya ng tuluyang makita ang parte ng chicken na napunta sa akin. Hindi sa ayaw ko ng thight part, mas prefer ko lang talaga ang wing part ng chicken lalo na ang drumette part nito.

Tiningnan ko ang kapatid ko ng pagpalitin niya ang pagkain naming dalawa.

"Oh fave mo, ikaw lang naman may gusto niyan, akin nalang 'to. " hindi makatingin niyang salita sa akin.

Hindi ko na napigilang mapangiti. Sa kanya napunta ang thigh part ng chicken at sa akin naman yung wing part.  Gusto ko siyang yakapin ngayon, pero hindi ko ginawa dahil ayaw na ayaw nito ng ginugulo siyang kapag kumakain.

"Thank yo-"

"May kapalit yan, I want omelette baon ko sa school."  singit niya agad sa akin.

"Yon lang?" I was just looking at her smiling my ear to ear. I know hindi lang omelette ang gusto niya, knowing her.

"At tsaka...sandwich niyo ni m-mama.." pahina ng pahina niyang salita.

Parang biglang bumigat ang dibdib ko sa sinabi niya. Tuluyan din nawala ang mga ngiti ko.

Tahimik lang siyang kumakain ngayon na parang focus na focus ang tingin sa pagkain.

"Then, it'll be omelette and our special sandwich.." Tumingin siya sa akin. I just gave her my warm smile. I know she misses our parents ayaw lang niyang sabihin.

I missed them too..

Tahimik lang kaming kumakain sa loob ng sasakyan. Agad din kaming umalis pagkatapos.

I glanced at her na may kinakain pa rin.

Hindi pa rin niya nauubos ang kinakain hanggang ngayon. Iniwan pa talaga nito ang balat ng chicken na for sure sa huli niya kakainin.

Dadaanan pa kasi namin ang school na pag-iinquiran ko.

Balak ko kasing mag apply ng scholarship. Try ko lang naman. Hindi ko din kasi alam kong matatanggap ba ako lalo pa at kilalang school ang Raizen University. Ito na din kasi ang pinakamalapit sa lugar na 'to.

Zavira Vaudelaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon