Juu Hachi

683 42 0
                                    

Nagising ako dahil feeling ko may nakatingin sa akin ngayon. Inaantok kung minulat ang mga mata ko.

"Good morning.."  mahigpit kong niyakap si zav. Mas siniksik ko ang sarili sa kanya trying to feel the warmth her body brings in me. Ramdam ko ang magaang paghagod niya sa buhok ko. Inaantok pa rin ako.
I felt her lips kissed my temple repeatedly na parang nitong pinanggigigilan.

"I cooked you breakfast" rinig ko pa sa boses nito. She held my cheek gently caressing it using her thumb. Inaantok ko siyang tiningnan. She has this gentle look plastered on her face. Ang ganda ganda ng mga asul niyang mata ngayon. Her eyes, It is as if were the tranquil depths of a serene ocean. Mysterious yet beautiful. I feel like drowning in the sea of mesmerizing wonder. Gosh. Kung ganito lang kaganda ang makikita mo first thing in the morning who want to get up anyway?

Her sudden kiss on my nose brought me back to my senses. I was lost in her for a moment. Hanggang ngayon hindi pa rin ako nasasanay sa mga mata niya. It's perfectly suit her.

Sa condo niya 'ko natulog. Ito na din ang nagpaalam kay mama la kagabi. 

I hugged her tightly at siniksik ang sarili sa kanya. Gusto ko nalang matulog ng matulog, total weekend naman na.

I didn't know hugging Zav first thing in the morning was the best thing to do. I like the feeling of security in her arms. Her gentle and comforting hug. Her presence is enough to make me feel safe. Gustong gusto ko ito. If only this moment could last forever. 








We are heading now kala ate fima. Excited na akong makita ang mga ito. Ilang araw na din kasi simula ng pumunta kami sa kanila. Hindi ko naman alam na isasama pala ulit ako ni zav don.

Nagbbreakfast kami kanina ng sabihin niyang pupunta kami ngayon kala fima. Bago kami tuluyang umalis kanina bumili muna kami ng pasalubong sa kanila.

"You're that excited to see, fima?" Tumango tango ako rito. I am. I'm really excited na makita ito dahil nong isang araw ko pa gustong pumunta sa kanila pero hindi ko magawa.

"Awe, I'm jealous sweetie" rinig ko sa nagtatampo boses ni zav.

"I just missed ate fima, that's all.." I heard her chuckled kaya napalingon ako sa kanya.

"I know sweetie, I was just teasing you" saglit pa itong tumingin sa akin. Napatingin ako sa kamay nito. Pinagsiklop niya ang kamay naming dalawa.

Busy kami ngayon ni ate fima sa pagbibake ng mga cookies. Naabutan namin sila kanina ni zav na busy sa pagaayos ng mga ipadidelivery nilang baked good sa bayan.

Nalaman ko lang din kay zav na ang bagong bukas na shop sa bayan eh kala ate fima pala.

"Ate fima tama ba ang ginagawa ko?"  I'm not really sure kung tama ba ang ginagawa ko. Sinunod ko lang naman ang tinuro niya kanina.

"Sabi ko sayo fima nalang al, hindi naman nagkakalayo ang edad natin" hindi ko talaga kasi maiwasan na tawagin siyang ate.

"That's fine, tayo lang naman ang kakain niyan" ngumiti ito sa akin. Gumagawa kami ngayon ng mga cookies na babaunin namin para mamaya.  May pupuntahan kasi kami ngayon. Hindi ko naman alam kung saan dahil kung tinatanong ko, sinasabi lang nitong surprise daw.

Si zav at ate sev naman kasalukuyang nasa sala ngayon. Inaayos na ng mga ito ang mga dadalhin namin.

Naririnig ko nga ang mga tawa ni zav mula rito.

"She's teasing sev again" rinig ko naman sa boses ni fima. Umiling iling pa ito.

"Hindi ba sila nag aaway? " I asked her. Napansin ko kasing parang ang layo ng loob ni ate sev kay zav. Parang ano mang oras mag aaway sila.

Zavira Vaudelaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon