Simula pa kahapon hindi nagpakita si zav. I would be lying if I said I didn't missed her.
Hindi pa rin ako nakaka hingi ng sorry sa kanya dahil hindi pa ito pumupunta sa bahay.I asked my sister kung may iba pa bang sinabi sa kanya si zav pero wala na daw. Sinabi lang nito sa kanya na may importante itong gagawin.
Buong klase ata akong wala sa sarili kakaisip kay zav. Sobrang daming what ifs ang pumapasok sa isip ko. Hindi ko maiwasang mag isip ng mga negatibo. Pano kung hindi na siya magpakita sa amin? Pano kung tuluyan na itong umalis at wala ng balak bumalik? Just the thought of it make me feel, I don't know..
It's just that part of me doesn't want it to happen. Naninikip na agad ang dibdib ko, thinking of her leaving me.
I missed her..
"Baby alca"
Anong ba naman kasing kaartehan ang mga pinaggagawa ko for the past few days? I can obviously talk to her, dahil madalas naman siyang nasa bahay, pero anong ginagawa ko? Tapos ngayon hahanap-hanapin ko.
"Baby al"
I was back in my senses ng yugyogin ni miles ang balikat ko.
"Are you okay?" May pag aalala niyang tanong sa akin. Bakas din sa mukha niya ngayon ang pag alaala. Ngumiti naman ako sa kanya to tell her that I'm fine.
"Sorry, I space out for a moment"
"Next class na ba? " inayos ko ang mga gamit ko para sa next room na pupuntahan namin. Halos wala na din akong nasulat na notes sa notebook ko. Gosh. I'm really not myself today.
Tumingin ako sa kanya ng hindi siya sumagot. Pinakatitigan ako nito na parang may mali sa akin ngayon. She's looking at me weirdly actually.
Okay? May nasabi na akong mali?
What is happening?
"Bakit? " Naguguluhan kong tanong sa kanya.
"Are you sure you're okay?" Hindi pa siya nakuntento at sinalat ang noo at leeg ko. Naguguluhan ako sa inaasta niya ngayon.
"I'm not sick, miles" I said. Inalis ko ang kamay niya sa akin.
"Yes, but you act like one."
"Uwian na, wala ng class" habol niya pang salita. That fast? Nilibot ko ang paningin sa paligid.
She's right. Iilan nalang ang mga nandito at halos nakauwi na ang lahat.
Oh..
Awkward akong ngumiti sa kanya. Ganon ba ako ka occupied kanina, at hindi ko man lang namalayan ang oras? I don't even remember any word from the discussion earlier. Gosh. I need to study later.
"Hatid na kita?" Agad naman akong umiling. Nakatayo na siya ngayon dala ang bag at parang hinihintay ako.
"Ayos lang ako, dadaan pa ako sa dean office" taas ko sa hawak kong documents. May ipapasa kasi akong ibang paper sa Dean. And, I really need to submit this. I can handle myself naman na. She don't have to worry.
"Careful sa pagddrive mamaya ha?" Ngumiti lang ako sa kanya ang nodded.
"You too" Humalik muna ito sa pisngi ko bago siya umalis.
Inayos ko na agad ang mga gamit ko para makapunta na rin agad sa office ng Dean. Medyo malayo pa naman ito sa building ng department namin.
Kasalukuyang binabaybay ko na ngayon ang daan patungo sa sasakyan ko. Naibigay ko na din ang dapat kung ibigay sa Dean. Uunti nalang din ang mga studyanting nakikita ko sa paligid.