It's been weeks pero hinihintay ko talaga na mapadpad rito si Ate Fima, pero wala.
I asked Mama la about them. Nalaman ko na every harvest season lang talaga pumupunta sila Ate Fima dito. Madalang lang talaga sila pumupunta rito, mapapadpad man, kung may bibilhin lang.
Nalaman ko rin na ang kasama pala ni Ate Fima na si Ate Sev ay kasintahan niya. That caught me off guard. I was surprised. I'm not against about naman sa mga ganyan. I actually support them. I admit kinikilig pa rin ako hanggang ngayon sa kanila dahil
bagay na bagay sila sa isa't isa.I mean who wouldn't right? Ate Sev who has this Ice cold personality, and Ate Fima who has this kind and gently personality?
They're polar opposite but damn, aren't that sweet?
Natuwa din ako nang ikwento sa akin ni Mama la na si Nanay Theia pala ang nag recommend na dito sa shop ni Mama la ibenta ang mga na-ani nila. Nanay Theia is Mama la's bestfriend.
Nakita ko na ito before dahil bumibisita rin ito minsan dito sa shop ni Mama la, lalo pa kapag napadpad sila ng asawa niya rito.
I actually missed Ate Fima kahit na hindi ko talaga ito nakausap personally. Ang gaan kasi talaga ng loob ko sa kanya. Bukod pa don si Ate Fima lang ang comfortable ko kausapin na close to my age sa lugar na 'to.
Agad kong winaksi sa isip ang asul na mga mata when it suddenly appear on my mind. Don't think about it Al. Forget it.
Hindi ko alam ang nangyari sa akin. I feel weird.
Lately, I feel like I'm going crazy. Feeling ko kasi nasa malapit lang siya, at nakatingin sa akin. I don't know. I just felt it, her burning eyes on my skin. Pati sa pag tulog ko feeling ko nasa harap ko lang siya.
Anong ba ang nangyayari sa akin..?
Although hindi ko naman siya nakikita na pero bakit ayaw nitong mawala sa isip ko. Napapaniginapan ko na nga ito. Isn't that weird? I mean hindi ko naman siya nakausap personally or nalapitan last time pero bakit ang lakas ng epekto niya sa akin?
For pete's sake, I don't even know her.
Napabuntong hininga ako sa mga iniisip ko.
I need to clear my mind. I'm starting to overthink again."Ayos ka lang, ate lala?" Nabaling ang tingin ko sa kapatid ko. Nasa study table ko siya ngayon dahil nag patulong ito kanina sa assignment niya.
"Yes, baby" nginitian ko lang siya ng matamis. Kahit naman papano nabaling ang attention ko sa kanya.
"Ate nakita ko ulit yung dog." mabilis akong napatingin sa kapatid ko.
"Where?" Umayos ako sa pag-upo.
"Kahapon po, nahawakan ko nga po ang balahibo niya, sobrang lambot, tapos ang laki-
"What! Ally saan mo nakita!?" Parang nagulat pa ang kapatid ko sa paglakas ng boses ko. Napatahimik ito na parang maiiyak na. Agad namang lumambot ang mukha ko dahil namumuo na ang luha niya ngayon. Nakukunsenya naman ako.
"S-sa school po, d-diba po natagalan ka mag sundo sa akin. Nakita ko po siya tapos lumapit po ako.." nakayuko niyang sagot sa akin. Her voice sounds like she's about to cry.
Napabuga ako ng hangin dahil sa nalaman.
Goodness. Pano kung kagatin siya non? I was just worried about her. We don't know yet kung mabait ba yon o hindi. I'm her sister, and I can't let anything bad happen to her.
Ilang beses na din nitong sinabi sa akin na nakikita niya talaga ito kapag sinusundo ko siya na nakasunod sa amin. And she's not lying. She's telling the truth dahil nakita mismo ito ng mga mata ko last time.
