"Where is she, Astrid?"
"Nanonood po" sumilip ako sa sala. Busy ang kapatid ko sa panonood habang kumakain ito.
"Don't let her see this, okay?" Pakita ko sa kanya ng hawak kong puppy. Mabilis na lumaki ang mga mata niya sa nakita.
Nang makita rin ito ni mama la kanina tuwang tuwa ito.
"Riri! Bilisan mo" mabilis akong tumalikod ng makitang humarap sa pwesto namin ang kapatid ko.
"Ate lala?" Kinakabahan ako at baka nakita niya ang hawak ko. Mabilis namang humarang si zav as if she was covering me.
"Hey, buddy, anong pinapanood mo?"
"We Bare Bears po" rinig ko pa sa boses ni ally. Humarap ako ng maramdamang wala na ang presensya ni zav, at lumapit sa kapatid ko. Nakaakbay pa ito ngayon habang nakaupo sa tabi ni ally.
Nasa akin din nakatingin si Astrid na halatang pinipigilan ang pagkakangiti.
Zav just wink at me ng magtagpo ang mga mata namin. Mabilis akong umakyat sa taas para ilagay sa room ang hawak kong aso.
Today's my sister birthday at kagagaling lang namin sa pet shop. Sinabihan ko na kanina si Astrid na salubungin kami sa labas kapag makabalik kami, and make sure na may ginagawa ang kapatid ko bago siya umalis.
Bumili na din kami ng cheese cake na favorite ng kapatid ko. Hindi na ako bumili pa ng ibang handa since nakapagluto na ng ibang handa kahapon. Ilang putahi nalang ang niluluto ngayon at patapos na din.
Maayos kong binaba sa bed ang hawak kung puppy. Naka-ilang balik din kami sa shop since pinavet pa namin 'to.
"Wag maingay, okay?" Salita ko habang hinahaplos ang balahibo niya. Ang kulit kulit.
"Wag makulit"
"Hey, shhh" pag suway ko sa kanya ng tumahol ito. Goodness. Baka marinig siya ng kapatid ko at mapupurnada ang surpresa namin para sa kanya.
"No, shhh" ang kulit kulit. Anong gagawin ko rito. Napakaenergetic niya ngayon at takbo ng takbo.
Wala pa itong pangalan, gusto kong ang kapatid ko mismo ang magbibigay ng pangalan sa kanya.
Mabilis akong napatayo ng masagi niya ang vanity sa gilid, na sa sobrang lakas nahulog ang family picture namin. Basag ng pulutin ko na 'to. I was wrong dahil hindi ito ang family picture namin kundi ang picture ko kasama si mama at papa. Basag na ang frame nito. Niligay ko lang ito sa drawer.
Maingat kong pinulot ang lahat ng basag sa sahig. Napalingon ako sa makulit na aso na naka-upo na ngayon.
"You naughty dog.." tinapon ko ang lahat ng bubog sa basurahan, at chineck kung may masakit ba sa kanya dahil malakas ang pagkakatama niya sa vanity kanina.
Nakahinga naman ako ng maayos ng wala akong makitang sugat o kahit ano pang pilay sa kanya.
Lumabas lang ako ng room ng tuluyan na itong kumalma.
Naabutan ko silang tatlo na focus na focus sa panonood ng mga bears. Dumako ang tingin sa akin ni Zav ng mapansin niya 'ko.
Sinenyasan niya 'kong maupo sa tabi nito kaya lumapit ako.She immediately wrapped her arms around my waist, and gently kissed the side of my head. Nakita ko pa sa gilid ng mga mata ko ang mapanuksong tingin ng kapatid at pinsan ko.
Nakatingin lang ako kay Zav ngayon. For some reason I can't take my eyes off her. I just felt like I missed her.
"Can't keep your eyes off me, can you?" She leaned and whispered still her eyes on the screen before she looked at me with her playful smile. I didn't say anything and nuzzles my self on the crook of her neck. I felt like I need to do this.
