"Ally, wake up.." sinalat ko ang noo at leeg niya. Mainit pa din ito.
Nang magising kasi ako kanina nagtataka ako kung bakit hindi pa rin siya lumalabas sa kwarto niya, dahil may pasok pa ito. Hindi ko pa malalaman na may sakit siya ngayon kung hindi ako pumunta sa kwarto nito. Naabutan ko siyang balot na balot ng kumot kanina.
Going back when my parents still alive. Natatarantang nagmamadali si mama na umalis, at dadating na kasama ang kapatid kong kala mo nakipag bakbakan sa labas dahil sa natamong mga pasa sa mukha.
Kinabukasan hindi ito makakapasok, at may sakit na. My mom explained to me na ganito ang nangyayari sa kapatid ko kapag may nakakaaway ito. Expected na kinabukasan mag kakasakit siya na akala mo napuruhan ng husto.
Hindi ko din maintindihan kung bakit siya nagkakaganyan, but it always happened talaga, at walang palya. Kaya nga palagi itong nasasabihan kada aalis kami papunta sa school.
"..ally.."
Mapupungay ang mga mata nito dahil sa antok ng magising siya.
"Kailangan mong kumain" tinulungan ko siyang bumangon dahil parang nahihirapan pa ito.
I prepared omelette, and sandwich paired with milk dahil ito ang madalas ibigay ni mama kung nagkakasakit siya. As in walang palya na ito ang niluluto ni mama. Nalaman ko kay mama na hindi kumakain si ally kung hindi ito. Kaya minsan iniisip ko na spoiled na spoiled ang kapatid ko, o maarte lang talaga siya kapag may sakit.
Inaalayan ko siya ngayong kumain dahil parang hinang hina ito. Tumingin siya sa akin ng icheck ko ang cheek niya kung saan may galos siya don. Andon pa rin ang sugat nito. Ganon din ang putok sa labi niya. Hindi ko alam kung ma-aawa ba ako sa kanya ngayon o ano.
Kinapa ko din ang likod niya. Mabuti at hindi ito basa, hindi katulad kanina dahil halos basang basa ang damit niya sa likod.
"Ally, drink your med muna bago ka matulog" naubos niya lahat ng pinagprepare ko sa kanya. Ako na mismo ang sumubo sa kanya ng med na agad naman niyang ininom.
"T-thank you, ate lala.." Inabot ko ang sintido niya para halikan siya don. Ang init init nito.
"Pagaling ka, hm?" She nodded weakly. Inalalayan ko siya mahiga at inayos ang kumot nito. Hindi talaga ako sanay na nanghihina ang kapatid ko.
I was just looking at her. Nakapikit na ang mga mata nito.
Gininaw ako dahil sa hanging pumasok sa bintana. Hindi pala ito nakasarado ng maayos. Lumapit ako at sinaraduhan 'to. Inayos ko din ang kurtina. Umupo ako sa side ng bed ng kapatid ko. Inayos ko din ang unan na nasa paligid niya, at inayos ang kumot para hindi siya lamigin.
Simula pa kanina na malakas ang ulan.
Walang bakas na titigil ito hanggang mamaya.Kinuha ko ang mga gamit para mahugasan na ito sa baba.
"Mataas pa din ba ang lagnat ni Lili, apo?"
"Opo" naabutan ko si mama la sa kusina.
Hinugasan ko na din ang pinagkainan niya."Kumain kana apo habang mainit pa 'yang sopas" niluto ito kanina ni mama la dahil nga may sakit si ally. But, sadly hindi ito makakakain ng kapatid ko, lalo pa at may particular na pagkain siyang kinakain kada may sakit ito.
Pinauna ko na si mama la na kumain kanina, dahil pinakain ko pa ang kapatid ko.
Sumandok ako ng sopas at umupo sa table. Tahimik lang akong kumakain.
Simula pa kahapon umalis si zav. It hasn't even been a day ng wala siya, but I missed her already. I want to hear her voice..
Dumiretso ako sa room ng kapatid ko after kong matapos kumain. Sinalat ko ang leeg at ang noo niya, mabuti at mild nalang ang init nito hindi katulad kanina.
Tumungo ako sa kwarto ko para kumuha ng jacket. Dumiretso din agad ako sa baba para tulungan si mama la. Kahit naman maulan ngayon marami pa rin ang namimili sa shop.
Hindi pa ako tuluyang nakakalapit ng maagaw ang attention ko, dahil parang nagkakagulo sa labas. Agad akong lumapit kung ano bang meron. Nakita ko agad si mama la na may kinakausap. Pinupunasan nito ang kung sino na basang basa ngayon. Nakita ko din ang kamay ng kung sino na nanginginig. Hindi ko ito makita dahil may taong nakaharang dito.
Nasa kanila na din ang attention ng ibang mga customer.
Nakita ko ang paglibot ng mata ni mama la hanggang tumapat sa akin.
"Apo, ipagtimpla mo muna ako ng gatas, kumuha ka rin ng extra towel sa taas ha?" Nagmamadali akong pumunta ng sa taas para kumuha ng towel. Dumiretso din ako sa kusina para makapag timpla ng gatas.
Hindi ko naabutan si mama la don. Pumunta ako sa loob kung saan ang pinaka office ng shop. Doon ko nakita si mama la kasama ang kung sino.
"Astrid..?" Hindi ako makapaniwalang makita siya rito. Naaawa ako sa istsura niya ngayon dahil may mga pasa ito sa mukha.
"A-ate alca.." namumuo ang mga luha nito sa mata. Mabilis akong lumapit sa kanya at binalot ang towel na dala ko. Inabot ko din sa kanya ang gatas na dala ko.
"You know her apo?" I nodded at mama la.
"She's my cousin po.." I was just looking at my cousin.
She's Astrid Reegan. My mom's maiden name is Reegan which make us Reegan too. She's not actually our blood relative since adoptive daughter siya ng kapatid ni mama, but we treated her as our cousin. She's the closet cousin we knew back there. Ito ang kalaro palagi ni ally dahil mag classmate ang dalawa kahit na ahead si Astrid ng isang taon sa kapatid ko. Sa amin na nga ito halos nakatira dahil sinasaktan ito ng adopted father niya, ang asawa ni tita. Natigil lang ang pag punta niya sa bahay simula ng mamatay ang parents ko. Hindi ko na muli siyang nakita kahit na pumunta ng school.
"W-what happened?" Sinunggaban agad ako nito ng yakap na muntik ko pang ikatumba. Iyak ito ng iyak sa bisig ko. Hindi ko na pinansin ang nababasa kung damit. I hugged her back para pakalmahin siya. Iling lang ito ng iling at iyak ng iyak.
"Are you sure about this Astrid? For sure hinahanap kana ni tita" lumayas ito sa kanila, at dito pumunta. She know this place dahil kay ally.
"D-dito nalang po ako.." I heard her said habang nakayuko ito ngayon. Nakaligo at nakabihis na ito ngayon.
Pinaayos din sa akin ni mama la ang isang guess room para ito ang magiging room niya. Nandito kami ngayon sa kwarto nito.
"Pano ang pag aaral mo?"
"D-drop out na po ako ate Al.." nakaramdam ako ng lungkot para sa pinsan ko. Hindi niya dapat 'to nararanasan at this age.
"Give me your hand" Kinuha ko ang gamot na dala ko para gamutin ang kamay niya ngayon. Tito did this again, that man! Bakas ng mga paso sa kamay niya na halatang bago palang, bukod pa sa peklat nito na alam kong dahil din sa paso din. May mga lantay din ang balat niya na halos nagkapasa na.
Gosh. Nasasaktan ako para sa pinsan ko. Naging maayos lang ang buhay nito ng nandon ito sa bahay dati.
"Palagi ka bang sinasaktan ng parents mo..?" She didn't say anything. Tahimik lang itong nakatungo ngayon.
"You didn't see ally kanina, dahil may sakit ito ngayon.."
"..May nakaaway na naman sa school.." umangat ito ng tingin sa akin. A smile formed on my face. I know for sure kung anong naiisip niya ngayon. Ito kasi ang sumusumbong dati kay mama kapag napapaaway si ally. The funny part is kasama rin siya sa mga ito. Silang dalawa ni ally ang napapaaway to be exact.
"You can stay here, I know mama la won't mind" I gave her smile. Umalis din agad ako at chineck ang kapatid ko.
Kinapa ko ang noo niya ng makapasok ako. I'm glad na giging okay na ito. Alam kung matutuwa ito kapag nakita si Astrid.