Hachi

1K 66 0
                                        

Tahimik at nakamasid lang akong nakaupo ngayon sa bleachers. May friendly match kasi ngayon sila Miles.

Pumunta na ako dahil wala naman kaming klase sa mga subjects namin ngayon. Ilang beses na rin kasi akong kinukulit ni Miles na manood ng laro nila.

Sobrang dami ng mga estudyante kahit na friendly match pa lang ito. Punong-puno ang loob ng court, at alam kong hindi lang ang school namin ang nandito. Hindi ko nga alam kung anong school ang makakalaban nila ngayon, kasi hindi ko rin natanong kay Miles.

Dumako ang tingin ko sa harap nang marinig ang malakas na sigawan ng mga estudyante sa paligid.

Magsisimula na pala.

Kumunot ang noo ko nang makitang parang nagkakagulo ang lahat. No, scratch that-parang nagwawala na ang mga ito sa kasisigaw.

Hinanap ko kung bakit ganito na lang ang reaksyon ng mga nandito. Nakatingin lang ako sa mga players na nasa court ngayon at nagwa-warm-up.

Tumapat ang tingin ko sa isang pamilyar na mukha.

I see.

Now it makes sense kung bakit ganito na lang ang reaksyon ng mga estudyante rito.

It's her.

She really gets everyone's attention kahit wala siyang gawin.

That's right. It's no other than the woman from the orientation-the one wearing jersey number 1.

She's really beautiful. Hindi na dapat ako nagulat kung bakit ganito na lang ang naging reaksyon ng lahat sa kanya. Knowing her status in this school, like I've heard, it's obvious she's loved by almost everyone here.

Kahit ako ay manghang-mangha na nakatingin sa kanya. She's cool, and she's tall, too. Kapansin-pansin talaga siya dahil bukod-tangi siya sa mga kasama niya. It's like she excels from the rest.




















Tapos na ang game pero hanggang ngayon hindi pa rin ako makaget over. Sobrang galing ng team nila Miles. Lalo na ang teammate niyang nakasuot ng number 1 jersey. She's really good. I'm not kidding dahil halos siya ang nakakapuntos sa lahat.

Halos tambakan nila ng score ang kalaban nila, na parang kinawawa ng mga ito. Sobrang laki kasi ng agwat ng score nila dito.

Hanggang ngayon hindi pa rin humuhupa ang ingay ng mga studyante sa paligid.

Hinanap ng mga mata ko si Miles sa mga kateam mates niya. Lihim akong napangiti nang makitang napaka-energetic niya kahit katatapos lang ng laban nila. She's really full energy kahit na pawis na pawis siya ngayon.

Tumayo ako at umalis don. Hihintayin ko nalang siya sa labas para makapag paalam.

Nang makalabas sa gilid lang ako pupwesto medyo malayo sa entrance.

Nakaramdam ako tuwa ng makita si Miles hindi kalayuan. Tatawagin ko na sana siya pero hindi ko na itinuloy dahil kasama niya ngayon ang mga teammates niya.

I decided na huwag na siyang tatawagin pero nakita na agad niya ako . Kumakaway siyang sumigaw sa akin kaya na agaw na din niya ang attention ng iilang studyante sa paligid.

"Baby Alca! Did you see our match?!" Malakas niyang tanong ng makalapit siya sa akin.

Muntik pa akong matumba dahil sa paglambitin niya sa leeg ko.

Goodness. Muka ba akong malakas sa paningin niya para gawin niya 'to?

And she way too close to me.

Zavira Vaudelaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon