Ni Juu Yon

527 35 0
                                    

"If you saw her riri, she's so cool, and super super super pretty!" Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa sinabi ng kapatid ko.

She not wrong though...

"Her eyes too! Sayang wala ngayon si ate zav"

Okay Al, stop smiling you look like an idiot smiling from ear to ear.

Okay focus focus.

Kasalukuyang inaayos ko ngayon ang mga dapat gagawin para makapag aral ulit si Astrid. I know she drop out from her previous school, but I want her to continue her study sa Roosevelt Academy kung saan nag aaral si ally. I went yesterday sa school at kinausap si Lorie. She's the one who called me last time. Sinabi din kasi sa akin ni zav na siya ang kausapin ko kung may kailangan ba ako regarding sa school, or any related sa school.

Lorie told me na inaayos niya lahat ng document na gagamitin for Astrid. Hinihingi niya na ngayon ang mga info tungkol sa pinsan ko.

"Aren't your exaggerating Al? "

"Of course not!"

"Ate lala diba ate zav is super pretty po!?" Napalingon ako sa kapatid ko, at kay astrid.
Hindi ko alam kung bakit dito napagpasyahan ng mga ito na dito tumambay sa kwarto, at hindi sa mga kwarto nila?

Simula pa kahapon gumaling si ally.
Para silang nakipag away ngayon dahil sa mga mukha nila. Parehas silang may mga bruise sa mukha. Hindi ko alam kung matawa ba ako, o ano.

Kinuha ko ang phone at sinenyasan silang lumapit.

"Dikit kayo"

"Ganito po?" I nodded, at tinapat sa kanila ang phone ko, at kinuhanan sila ng picture. I look at them na nakabusangot na ngayon.

"What was that for ate!"

"Memories" I simply response.

I hear her murmured something pero hindi ko na narinig.

Iniwas ko nalang ang tingin sa kanila, at pinagpatuloy ang ginagawa. Naririnig kong nag uusap lang din ang dalawa.

I missed zav. Hindi man lang ito nag message oh ano.

"..she's ate Lala's girlfriend.."

Nabalik lang ata ako ulirat ng marinig ko ang sinabi ng kapatid ko. Mabilis na nag init ang mukha ko sa sinabi niya.

Sa akin nakatingin ngayon si Astrid na may mapanuksong mga tingin. Tinaasan ko siya ng kilay dahilan para umiling iling ito.

"Aray ate lala naman!" Reklamo ng kapatid ko ng ibato ko ang unan na dapat para kay astrid pero kay ally tumama. Narinig ko ang hagikgik ni Astrid at nakatingin sa akin ngayon.

"Doon nga kayo sa labas, at ang ingay niyo!"

"Ikaw ally yang assignment mo gawin mo na! Ilang araw ka nang hindi pumapasok!" Nakanguso na itong nakatingin sa akin.

"Isusumbong kita kay ate zav! Sasabihin ko may kausap ka kaninang lalaki!"

Aba't!

Hindi ko na siya nahila dahil mabilis na tumakbo ang dalawa palabas. Sinong lalaki ang sinasabi niya? Wag niyang sabihin yong customer kanina na feeling close?

That kid!

Lumabas ako para hanapin kung nasaan na ang mga ito pero hindi ko sila nakita.

Sa sala nalang ako tumambay habang busy sa panonood.

"Apo tawagin mo na ang dalawa at kakain na" rinig ko sa boses ni mama la. Tumayo ako pinatay ang tv. Lumabas ako ng bahay para hanapin kung nasaan ang mga ito.

Zavira Vaudelaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon