"Alca? Thank God, it's you!"
Agad akong napalingon dito. She's here?
"Miles Toress?"
"The one and only." Umupo siya sa tabi ko. Classmate ko siya? Bakit ngayon ko lang siya nakita?
"Yayyy! Classmate tayo!" Excited niya sambit.
"Hindi kita nakikita dito sa room," sagot ko lang sa kanya.
"Ngayon lang ako pumasok, busy sa training," nakalumbaba niyang sagot habang nililibot ang paningin sa mga kaklase.
"Training?"
Athlete siya? Wow.
"Yes, volleyball." May kinuha siya sa bag niya at inalok sa akin. Tumanggi naman ako dahil masyado pang maaga para kumain ng chocolate.
Halos magkwentuhan lang kami hanggang sa dumating ang professor. Ang masasabi ko lang, she's talkative. Tumahimik lang ata siya nang dumating ang prof para sa 1st subject namin.
Sabay din kaming nag-lunch kanina sa cafeteria. Kahit hanggang don, hindi ata siya nauubusan ng kwento. Nai-kwento na ata niya lahat nangyari sa kanya at kung ano ano pa.
Gosh, kung makakasama mo ata si Miles, buong araw kang hindi maboboring.
"Hindi ka talaga manonood, Al?" Ilang beses na niyang tanong sa akin 'to.
She's inviting me to watch their match.
"Hindi na, Miles, susunduin ko pa ang kapatid ko," pag-tanggi ko sa kanya.
"Next time ha?" Tumango na lang ako in response. Umalis naman agad siya.
Hindi na ako nag-aksaya ng oras at tumungo sa sasakyan.
Hindi pa ako nakaalis nang maramdaman ko ang pagtunog ng phone ko, tanda na may nag-message.
It's no other than my sister. Agad na kumunot ang noo ko sa nabasa.
"Ate, sa Starbucks kami. Ingat :>"
Abat, may pa-Starbucks ang kapatid ko? Kami? May kasama siya? Hindi na ako nag-message at agad na umalis don.
Natagalan pa ako dahil may aberya kanina dahil may banggaang nangyari.
Agad kong hinanap ang Starbucks na sinabi ng kapatid ko nang makarating ako. Inihinto ko sa tabi ang sasakyan nang mahanap ko ang Starbucks na sinabi niya. Literal na malapit lang talaga ito sa school.
Agad akong lumabas ng sasakyan at sinilip ang loob kung saan nakapwesto si Ally.
I squinted my eyes para hanapin siya. Agad ko namang nakita ang kapatid ko. May kausap ito pero hindi ko maanigan ang kasama niya dahil nakatalikod ito mula sa akin.
Nakilala ko agad kung sino ang kausap niya nang matanaw ko ito sa malapitan.
There goes my heart again.. Behave, kung ayaw mong dukutin kita!
Napabuga ako ng hangin bago lumapit sa kanila.
Nakita naman agad ako ng kapatid ko. Kumaway pa ito sa akin, na ikinalingon din ni Zav. That's right. Ang kasama lang naman nang magaling kong kapatid ay si Zav.
Para pa akong natuod sa kinatatayuan ko. I feel like melting nang matamis siyang ngumiti sa akin.
Bat ganyan siya?
Center of attraction talaga siya dahil napansin kong maraming nakatingin sa kanya ngayon. I mean, look at her. She's so pretty.
Hindi nakawala sa paningin ko ang paghagod niya sa katawan ko from head to toe. And here I am again, feeling conscious sa mga tingin niya.