"Z-zav?"
"Hm..?" Busy lang ito sa pagddrive gamit ang isang kamay niya. Nakahawak kasi ang isang kamay nito sa mga kamay ko.
Pilit ko naman itong tinatanggal pero binabalik niya lang. Kanina ko pa nararamdaman ang paginit ng mukha ko.
"S-saan tayo pupunta?" Kanina pa kami nakaalis sa condo niya. Sinabi kasi nitong may pupuntahan kami.
Tanging mga puno nalang ang nakikita ko sa mga nadadaanan namin. Halos wala ng bahay ang nakikita ko. May iilang pero kanina pa yon. Halos ang matataas na mga puno nalang ang makikita sa nadadaanan namin.
Pilit kong inaalala kung anong nangyari, at kasama ko na siya kanina ng magising ako at nasa condo niya ako.
Sa pagkakatanda ko nasa condo ako ni jade. Where's miles? Jade and Ruby? Ano bang nangyari bakit nasa condo na ako ni zav.
Hindi ko naman sila mamessage dahil lowbat ang phone ko. Hindi din ako nakapag paalam kay mama la. Although sinabi naman ni zav na minissage niya na ang kapatid ko. Nahihiya naman ako dahil siya pa ang nag message sa kapatid ko na dapat ako ang gumawa.
Naramdaman ko ang pagpisil ni zav sa kamay ko kaya napalingon ako sa kanya.
"You'll see when we get there" saglit itong lumingon sa akin. Hindi ko alam ang nangyari pero simula pa kanina ng magising ako, ang lambot ng mga tingin niya sa akin. Her voice sounds so soft and gentle.
Nagtataka akong nakatingin sa paligid ng tuluyang bumababa kami sa sasakyan.
Anong ginagawa namin rito?
Sure ba siyang iiwan niya ang sasakyan sa tabi ng kalsada? Pinark niya lang kasi ito sa may medyo malawak na space.
"Let's go?"
"Z-zav, where are we going?" Naguguluhan kong tanong sa kanya dahil kanina ko pa hinahanap ang kahit na isang bahay rito pero wala akong makita.
This is more like forest na. I think malayo na din ito sa mga bahayan. It feels like we're in the middle of nowhere.
She gave me her reassuring smile. Inabot niya ang kamay ko.
"You'll see.." she said.
Kahit naman papano may path kaming nadadaanan at halatang may dumadaan rito. As usual halos mga puno ang nadadaanan namin. Maayos naman ito tingnan dahil halatang alaga ang nadadaanan.
Hindi ko alam kung ilang minuto kaming naglalakad hanggang maanigan ko ang bahay hindi kalayuan sa pwesto namin.
May kalakihan ang bahay. Malayo palang kami pero halatang alangang alaga ito, dahil ang linis nitong tignan, at maaliwalas. Namamangha akong nakatingin sa paligid, dahil sa mga puno at mailan ilang mga bulaklak na nakapalibot dito.
May malawak ding garden hindi kalayuan sa bahay. Gosh. This is beautiful. Pag titingnang mabuti para akong nasa ibang panahon. Ang comfy ng paligid. Sobrang relaxing sa pakiramdam. I didn't know na merong ganito sa lugar na 'to.
Namamangha akong nakatingin sa paligid hanggang makalapit kami. This place is beautiful. Gosh. I'm out of word.
"Lirx, yoo!" Nabaling ang tingin ko sa tinawag ni zav. Nagulat ako ng makita ang babaeng kasama ni ate fima last time sa shop.
Busy ito ngayon sa ginagawa niya. She was picking tomatoes.
Nakita kong nakakunot ang noo nitong nakatingin kay zav ngayon. Para pa ata itong nawalan ng mood ngayon ng makita si zav dahil sa mukha niya. Kahit ako naramdaman ko ang mabigat nitong presensya.