Evian
Hawak ang aking purse, tinahak ko ang daan patungo sa canteen. At habang naglalakad ako, kita ko ang pag tingin sakin ng mga students. Halos mapairap ako. Kung makatingin, parang first time ata makakita ng maganda. Well, look all you want, losers.
Pagdating sa canteen ay pawisan na agad ako. Ang init tapos ang dami pang tao. Nakakairita lang kasi naiwan ko ang mini fan ko sa bag. Ano ba naman kasing school 'to, ang mahal mahal ng tuition tapos walang aircon ang canteen? Nakakairita lalo.
Kung pwede lang lumabas ay kanina pa ako nasa isang restaurant. Argh, I hate highschool and I freaking hate this school. Bakit bawal lumabas kapag recess at lunch? Nagbabayad naman kaming lahat ng tuition kaya pake ba nila kung may mag cut class, 'di ba? As long as we're paying them, it should be fine.
I want to use my father's name but he will scold me if I do. Grabe pa naman ang mga punishment ni Daddy. I would never.
Natigil lang ako sa pagkunot ng noo nang may pumitik sa noo ko. Agad akong napa-aray at napahawak sa aking noo.
"Stop frowning," napanguso ako kay Raine.
"It's so hot kasi..."
"Dapat dinala mo 'yung favorite fan mo." Ngisi niya. Napairap ako roon.
Iyong mini fan kasi na lagi kong ginagamit ay talagang lagi kong hawak at dala dala. Hindi ata mabubuo ang araw ko kapag wala iyon. Kaso nga lang ay nalimutan ko lang ngayon kasi minamadali ako nitong si Raine.
"It's your fault."
Tumawa siya. "Bakit naman?"
Hindi ako sumagot at mas lalo lang akong naiirita. Umupo nalang ako sa bakanteng upuan at si Raine nalang ang pinagbili ko ng pagkain. Mahaba kasi ang pila at ayoko ngang makipagsiksikan. Mamaya may maamoy pa akong hindi kaaya-aya.
Mabilis din namang nakabalik si Raine.
"Ang bilis mo naman ata?" Taka kong tanong.
Tumawa siya at ngumisi. "Girls..."
Naintindihan ko agad iyon. Dapat pala hindi na ako nagtanong. Lagi kong nakakalimutan na sikat nga pala 'tong bestfriend kong ito sa mga babae. May pagka-playboy pa itong si Raine at lahat nalang ata ng babae sa school ay hinarot niya na, lower grade man o high. Walang pinapalampas 'yan, basta maganda.
Lagi niyang ginagamit ang face niya para manguto ng mga babae. Tulad nalang ngayon. Though, thankful ako ngayon kasi gutom na gutom na talaga ako.
"I heard you rejected Kim Manalo. Why?"
"Really? You're asking me that?"
Nagkibit balikat siya. "Well, he seems nice to me. Nakalaro ko siya several times and despite all the rumors about him, he's actually nice."
I groaned. "I don't care. Gwapo, mayaman, athlete, I really don't care. You know very well na ayoko pa mag boyfriend."
"I know. Hindi naman kita pinipilit, ah? I'm just saying that Kim is nice." Umismid ako. Duda naman ako sa babaerong 'to. Siguro binayaran siya ni Kim kaya ganiyan ang ugali.
"Nice but not my type." Sabi ko nalang.
"Bakit? Katulad ba ni Aji ang mga type mo?" Nagtaas ito ng kilay.
I gave him a disgusted look. "Mandiri ka nga sa sinasabi mo, Raine. Si Aji, type ko? Yuck lang 'no. Nakakadiri."
"Nakakadiri? Grabe ka naman sakin." May umupo sa tabi ko at umakbay.
Sa amoy, katawan at boses palang ay alam kong si Aurelius Jian ito. Napairap ako. Inis na nga ako, iinisin pa ako ng damuhong 'to. Isa pa siya sa kinaiinasan ko sa buhay at isa rin siya sa dahilan kung bakit sobrang miserable ng highschool life ko!
BINABASA MO ANG
Secret Serenade
General FictionTheir relationship is just like any other childhood friends. Nothing more, nothing special. Evian Reyes knows that. Aji Escarez knows that. But when they both crossed that line, everything between them changed as the temptation, desire and the thril...