Chapter 29

1.5K 57 1
                                    

Evian

Hindi nawala sa isip ko ang sinabi ni Aji kanina. Hindi ko alam pero kanina pa iyon binabagabag ng puso ko.

Napanguso ako't tinuon nalang ang atensyon ko sa instructor. Napatingin ako kay Mitch na pasimpleng natutulog sa klase. Siniko ko siya pero nagpatuloy lang sa pagtulog. Natatawa ko siyang vinideohan bago nakinig muli sa instructor.

"Don't forget about later, ah," hinawakan ni Mitch ang braso ko. Kakatapos lang ng klase at buhay na buhay na naman siya.

"Oo na," I dismissed her. I'm hungry na kasi.

"Kita tayo mamaya sa may gate, ah!" Huling paalam niya bago umalis dahil may pupuntahan pa raw siya. Lately nga ay napapadalas ang pag alis niya kaya minsan ay hindi kami sabay kumain ng lunch. Minsan, mga ibang classmates ko ang kasama ko at minsan din ay si Aji.

Today is friday at mamaya na ang chill-nom na sinasabi ni Mitch. Half day lang kasi kami ngayon pero sina Cade ay hindi kaya magkikita kami sa may school mamaya pagkatapos ng klase nila para sabay sabay na kaming pumunta sa bahay nina Mitch.

Medyo tinatamad nga akong pumunta pero I already said yes at alam kong hindi ako tatantanan ni Mitch hangga't hindi ako pupunta.

Habang naglalakad palabas ng school, tumawag si Aji.

"Where are you?" Tanong niya.

"Palabas na ng school. Why?"

Nagulat ako dahil biglang namatay ang tawag. Nagtaka rin ako pero binulsa ko nalang ulit ang phone ngunit laking gulat ko nang may biglang umakbay sakin. I looked up and I saw Aji.

"Ang init, Aji!" Inalis ko ang braso niya pero sa waist ko naman niya nilagay. Tinignan ko siya ng masama pero nginitian niya lang ako.

"Gutom ka na ba?" Tanong niya.

"Sobra. Wala ka ng class?" Napansin kong naka-suot siya ng uniform. Palagi kasi siyang naka-pants and shirt kapag napasok. Mukha siyang teacher sa uniform. A hot teacher.

"Meron pa. Lunch lang namin at mamayang 1:30 to 6 pa ng gabi ang klase ko..."

"Aww, kawawa ka naman," asar ko rito.

"Okay lang, graduating naman na ako..." he grinned.

"Kung makaka-graduate ka."

"Of course. Summa Cum Laude pa." Mayabang niyang sinabi. Napairap nalang ako at natawa. Muli ko siyang sinaway dahil nakahawak parin siya sa waist ko pero hindi niya parin talaga tinatanggal. Napapatingin na nga samin ang ibang students.

"Ang yabang mo talaga. Bumalik ka nga roon!"

"Ihahatid muna kita..."

Motor na pala ang dala niya ngayon. Kanina kasi ay naka-car kami kaya baka umuwi siya kanina. Inabot niya sakin ang helmet pero tinignan ko lang iyon. Nagtataka siyang tumingin sakin at muling inabot.

"Bakit?" Nagtataka niyang tanong.

"I'm tired, Aji." Maarte kong sinabi.

Natawa siya ng mahina. "Come here..." umupo siya sa motor niya at lumapit naman ako. Nagulat ako nang hawakan niya ang bewang ko at niyakap niya. Napahawak ako sa balikat niya at gulat parin. Hinampas ko siya sa braso.

"Ano ba, Aji! Ang init init!"

Nakaupo na siya sa motor niya pero mas matangkad parin siya. Nakakainis, bakit ang unfair?

"Ang cute mo," hinawakan niya ang pisngi ko at dinampian ng halik ang labi ko. Mabilis ko siyang hinampas sa braso.

"Aji!" Napatingin ako sa paligid. Nasa carpark na kami at nasa may motorcycle area kami pero wala naman akong nakikitang tao. Pero if ever na meron man, nakakahiya!

Secret SerenadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon