Chapter 37

4.4K 106 29
                                        

Evian

Nakanguso ako habang pinapanood si Aji na busy na nakaharap sa kanyang laptop. I rolled my eyes after a minute. Hindi niya talaga ako pinapansin! Talagang pinaninindigan niya 'tong actions niya ngayon! And I hate that I'm this affected. Masyado na yata akong nasanay na siya ang palaging sumusuyo at kumakausap sakin. Sabagay, ako lang 'yung palaging naiinis sa kanya kaya tama lang na siya rin ang palaging manuyo sakin pero this time, ako naman ang kinakailangang manuyo.

This is so frustrating.

I get it. He's jealous.

Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit siya magseselos kay Cade? He didn't do anything wrong. Actually, he's kind nga.

Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Mitch kahapon. Do I really need to do that? Mamaya na ang celebration party and tomorrow na kami aalis para umuwi sa hometown namin. Ayoko namang umuwi kami na hindi kami nagpapansinan. Magtataka sina Mommy. And I don't want to ruin my vacation just because our petty fight! Minsan nalang ulit ako magbakasyon kaya kailangan kong sulitin!

Kahit hindi niya ako iniimikan, dito parin siya sa unit ko laging nakatambay. Hindi ko lang alam kung dito rin ba siya natutulog. Nil-lock ko kasi ang pinto sa kwarto kahit mukhang wala naman siyang balak na pumasok doon.

Matagal pa akong nagisip hanggang sa tinext ko si Mitch na pumapayag na ako sa sinabi niya. She got excited and told me to come over. Tinatamad pa sana akong umalis kaso Aji's still here. Sa huli, dinala ko ang mga make ups ko at ilang damit, kahit sinabi ni Mitch na siya na ang bahala sa clothes.

Paglabas ko ng kwarto, nagulat ako dahil nasa may kitchen counter siya. Nakasandal siya roon habang umiinom ng tubig. Our eyes met and I gulped. I got nervous all of a sudden.

Nagiwas ako ng tingin at naglakad papuntang pinto.

"Where are you going?" Nagulat ako sa tanong niya. Mas lalo akong kinabahan.

"D-Diyan lang," I stuttered.

"Where?" Ramdam kong papalapit siya.

"Kina Mitch lang..." I'm so nervous that I can't face him right now! And I don't even know why I'm this nervous! Pupunta lang naman ako kina Mitch!

"Ihahatid na kita." Hindi na ako nakaapila dahil nagsuot na siya ng shirt at kinuha ang susi ng car niya. Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya. I forgot na ayaw niya nga palang nagc-commute ako.

Gosh. Sobrang tahimik. Tanging tunog ng mga sasakyan at ng aircon ang naririnig ko. Parang mabibingi ako sa sobrang katahimikan.

After a couple of minutes, nakarating na kami sa residence nina Mitch.

"Y-You're going, right? Sa party..." I tried to sound normal and cheerful.

He tapped his fingers on the steering wheel and then licked his lips before turning to me. "Are you?"

"Yep. Kasama ko si Mitch."

He nodded slowly. "I'm going."

I smiled as I also nodded slowly in satisfaction. "Okay. Bye." Maliit akong kumaway sa kanya kahit sobrang awkward. Nakatingin lang siya sakin at tumango. Pumasok na ako sa loob ng bahay ni Mitch kasi mas nagiging awkward na.

"Gosh, girl, talagang pinagisipan mo pa," bungad sakin ni Mitch. Nandito kami sa kanyang kwarto.

"Are you sure about this, Mitch?"

"Sure na sure, a hundred percent sure! Papansinin ka na niya after ka niyang makita mamaya!" Excited niyang sinabi.

"Paano kung hindi?"

Secret SerenadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon