Chapter 13

1.7K 57 4
                                    

Evian

Muli akong napairap. Nakakainis.

Okay lang sana kung si Felix North ang nandito pero Aji's here, too. Ang awkward tuloy bigla ng atmosphere rito. Ang mga nagsasayang staff kanina ay nakaupo na lahat at lahat sila ay nakayuko na para bang napagalitan kahit hindi naman. Paano ba naman kasi, their aura is so intimidating. Mga naka-suit and tie pa na para bang meeting ang pinunta nila rito.

"Congratulations, Evian. You deserve it," napatingin ako kay Felix North na nakangiti sa akin. Ang gwapo niya talaga!

"Thank you po," I politely said. Kahit gusto na mag divorced ng legs ko rito, I need to calm myself down kasi siya parin ang CEO. Baka kinabukasan ay mapatalsik na ako kahit may natitira pang buwan sa kontrata ko.

In short, bawal muna maging malandi for tonight!

"Sorry if I didn't inform you about my arrival. Gawin niyo lang ang mga ginagawa niyo bago kami dumating dito. My friend right here just wanted to see someone." Felix chuckled.

Napalingon ako kay Aji na naka-crossed arms at nakatingin sakin. See someone? Ako? Well, I don't want to see him! Bwisit!

"Sure ka riyan, ah? Mage-enjoy kami rito!" Tumayo si Ate Shane.

"Do what you want." si Felix.

Napangiti ako kay Ate Shane. Ramdam niya siguro ang awkward ng hangin dito kaya nag step up siya para ma-lighten ang mood. Nag punta siya sa unahan dahil may videoke roon. Tumingin siya sa song book bago ilagay ang number.

Nagtawanan kaming lahat dahil Touch by Touch ang nilagay niya.

"Tara, sasayaw!" Hinila ako ni Ate Gwen papunta sa gitna. Nagpahila naman ako at nag sayaw kami ng kung ano-ano sa unahan.

"Ey! Ey! Ey!" Sigaw nila.

Maya maya ay nagpuntahan narin sa unahan ang ilang staff. Mabilis akong napalingon sa gawi nina Aji at nakita kong pinapanood nila kami. Napairap ako sa isip at nagpatuloy sa pagsasayaw. I can't let him ruin my night!

"Shot! Shot! Shot!"

Nadala ako sa kasiyahan kaya nang abutan ako ng mataas na shot ay ininom ko iyon. Ramdam ko na agad ang pagkahilo ko pero nagpatuloy lang ako sa pagsasayaw. Si Ate Gwen na ang nakanta at ang kanta ng One Direction na Best Song Ever ang kinakanta niya. We're all having fun.

Nang mapagod ay naupo ako. Napasapo ako sa ulo ko dahil grabe ang hilo na nararamdaman ko.

"You okay?" Lumapit sakin si Aji.

"Fuck you," nasabi ko. Parang nagulat siya sa sinabi ko at kumunot ang noo.

"You're drunk." He stated, hindi pinansin ang pagmumura ko sa kanya. Napailing ako.

"No..." shit, parang masusuka pa ata ako. Napahawak ako sa tie niya para makaupo ako nang maayos.

"Water?" Tumango ako sa kanya.

Mabilis niya naman akong inabutan ng tubig at ininom ko iyon agad.

"You should stay here muna..." he stared at me. Napailing ako at tatayo na sana pero hinila niya ako pabalik pero imbes na sa upuan ay sa lap niya ako napaupo. Namilog ang mga mata ko.

"Aji!" Hinampas ko ang braso nito pero tinawanan niya lang ako.

"Stop moving, baby. Baka may magising..." nakangisi nitong sinabi.

Mas lalong nanlaki ang mata ko at hahampasin ko sana siya ulit pero nahuli niya ang kamay ko.

"Bitawan mo nga ako!" Hinila ko pabalik ang kamay ko. "What are you doing here ba? You're not supposed to be here!"

Secret SerenadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon