Evian
One week has passed and nagsisimula narin magturo ang mga instructors. Since it's the beginning of the semester, madadali pa ang tinuturo pero sobrang nakaka-drain parin talaga. Parang nawala bigla sa pagkatao ko 'yung pagiging achiever ko since elementary. Parang all of a sudden ay talagang normal na student nalang ako.
I sighed.
"What happened?" Nag angat ako ng tingin kay Aji. Nandito na naman siya sa condo ko. Napapadalas ang pag punta niya rito kesa sa sarili niyang condo. Though, wala naman siyang ginagawa na kahit na ano maliban sa pagtambay at inisin ako. Sometimes, he would cook for me kasi sawa na raw siya sa take outs.
"Wala," I answered.
"Are you sure?" Naninimbang ang tingin nito.
"Oo. Bakit ba nandito ka na naman? Bumalik ka nga sa unit mo. I want to rest!" Kakauwi ko lang din kasi galing school.
"Later... oo nga pala, Mama will throw a party next week in our hotel in Quezon. It's a celebration for finally tying our connection with the Evidentes..." he explained.
The Evidente family is well-known for their construction materials na bagay sa main business ng mga Escarez na mga hotels and resorts. Narinig ko rin dati kina Daddy na matagal na raw nililigawan ng mga Escarez ang mga Evidente dahil may pagka-strict ang mga ito when it comes to their business but I also heard that they are nice people.
Kinabukasan, 7:30 ang klase ko. Sobrang aga kumpara sa normal kong pasok na 8:30. Ang malas lang kasi ang first subject namin ay PE. Kakasimula palang ng araw pero haggard na agad ako.
Paglabas ko ng condo ay bumungad agad sakin si Aji na magd-doorbell na sana. Sabay kami ngayong araw dahil parehas kami ng oras ng pasok tuwing Wednesday pero kapag minsan na hindi siya busy, hinahatid niya ako sa school. Pero kahit ata busy siya, gumagawa parin siya ng paraan para i-hatid ako, kahit hindi naman kailangan kasi uso naman ang Grab o kaya taxi.
"Good morning," he greeted.
"Walang good sa morning." He just chuckled.
Nasa elevator na kami. Tumigil ito sa 6th floor at nagulat nang makita si Isabella na pasakay narin. Nagulat din siya pero napalitan ito ng malawak na ngiti nang makita si Aji.
"Hi, Aji! Evian! Good morning!" Masigla nitong bati. Ay close tayo, 'te? Joke.
Ngumiti lang ako sa kanya.
"Anong oras ang klase mo, Evian?" Tanong niya.
"Uh, 7:30."
"Oh, same!" Humawak ito sa braso ko. "Tuwing Wednesday lang ba? Sabay na tayo palagi. Same school lang naman tayo!"
Hindi ako nakaimik. I don't know what to say. Wala naman akong karapatan na mag desisyon kasi kay Aji ako nasabay at sasakyan niya ang gamit, hindi naman sakin. Lumingon ako kay Aji na nakatingin kay Isabella. Napatingin tuloy ako sa katabi ko. Nakangiti parin siya at tila tuwang tuwa sa kung anong nangyayari.
Maganda siya, oo, pero mas maganda parin ako. Seeing her upclose, napansin ko ang freckles nito. She's fair and tall. Ang kanyang mahabang brown hair ay naka-braids. Does Aji like her? It's not possible.
Nang buksan ni Aji ang kotse, pumasok agad si Isabella sa front seat. Napaawang ang labi ko at napatingin kay Aji na nakakunot na ang noo at napatingin narin sakin.
"Front seat," he mouthed. Nasa may pinto na kasi ito at ako ay napatigil pa dahil sa nakita.
Umiling ako at sumakay na sa back seat.
"Evian," binuksan ni Aji ang pinto. "Front seat." Madiin nitong sinabi.
"Tara na, Aji. Mal-late na ako!" Nagtitigan pa kaming dalawa. Pinanlakihan ko siya ng mata at bahagyang tinarayan siya. May binulong siya bago inis na sinarado ang pinto.

BINABASA MO ANG
Secret Serenade
Aktuelle LiteraturTheir relationship is just like any other childhood friends. Nothing more, nothing special. Evian Reyes knows that. Aji Escarez knows that. But when they both crossed that line, everything between them changed as the temptation, desire and the thril...