Evian
Tinotoo nga ni Aji na ihahatid sundo niya ako. Minsan, kapag nasa school siya ay sinasabayan niya akong kumain sa lunch pero minsan ay dinadalhan lang ako ng pagkain at aalis na siya kasama sina Felix.
"Iba talaga ang lover boy na 'to!" Asar ni Mitch. Kakaalis lang ni Aji para dalhan ako ng lunch at umalis na agad dahil may kailangan pa raw silang tapusin. Hindi ko alam kung anong thesis nila pero ang alam ko lang ay may bini-build sila na related sa aircraft.
"Lover boy ka riyan," umirap ako.
"Sungit. Ikaw na nga dinalhan ng pagkain tapos ganiyan pa attitude mo. Hay, ano kayang nakita sayo ni Aji? Ang malas naman niya."
"Anong malas? Swerte na nga siya kasi kaibigan niya ako!"
"Kaibigan? Are you shitting me right now?" Hinawakan niya ang balikat ko. "Girl, hinahatid sundo ka niya tapos nagm-make time pa siya na dalhan ka ng food o kaya minsan ay sinasabayan ka. At sa tingin mo, makakatakas sakin 'yung mga nakaw niyong halik? Girl, hindi gawaing magkaibigan 'yon kundi magka-ibigan!"
"You saw us?" Parang iyon lang ata ang narinig ko sa haba ng sinabi niya. Nakakahiya!
"Aksidente ko lang kayong nakita pero whatever! I don't care about that, I've seen worse, don't worry! Ang sakin lang naman is... kailan mo mar-realize ang feelings mo for him? Obvious ka rin naman kasi..."
"Obvious? I don't like him!"
"Che! Ewan ko sayo, bakla ka! Inii-stress mo ako!" She flipped her long hair. Nasa cafeteria kami ngayon at obviously, it's lunch time. Marami pang sinabi si Mitch about our relationship pero hindi ko lahat iyon pinakinggan. Paulit ulit lang kasi at nakakarindi.
I sighed. I know naman na hindi gawaing magkaibigan ang ginagawa namin pero we both like it kaya what's wrong, 'di ba? Ang wrong lang ay kung may girlfriend siya pero we're always together kaya ngayon, I doubt na mayroon siya. Or magaling lang talaga siyang magtago? I don't know. Kapag tinatanong ko naman ay tinatanggi niya lang at minsan ay sinasabihan akong baliw. Tama ba 'yon?!
But whatever. Ngayon ay parang wala na akong paki sa kung anong mangyari samin. Mag go with the flow nalang ako. If he decided to stop whatever is happening between us, then so be it. Ano pang magagawa ko, 'di ba?
"Anyway..." tumigil narin si Mitch sa kaka-comment samin ni Aji. "Nagaaya sina Cade na mag inom. Chill-nom. Friday night. You in?"
"Friday night? May pasok tayo kinabukasan, Mitch."
"Hindi naman tayo magiinuman to the max. Kaya nga chill-nom, 'di ba? Chill lang na may kasamang inom. Chikahan, ganoon. Atsaka sa place ko naman gaganapin. And besides, pang-hapon pa ang klase natin tomorrow."
"Sa place mo? Hindi ba magagalit ang parents mo?"
"Don't worry about that, girl. Wala sila, nasa ibang bansa kaya solo natin ang bahay." Kinindatan niya ako at humagikgik.
Hindi agad ako pumayag. Parang ayoko na gusto ko. Ayoko kasi may pasok kinabukasan at medyo tinatamad din ako. Gusto ko kasi minsan nalang ako uminom at lumabas kasama ang mga kaibigan.
After a long exhausting day, natapos narin ang mga klase ko and I'm here outside the gate, waiting for Aji. He texted me earlier na on the way na raw siya and I've been waiting for 10 minutes already. Aayain ko nga sana si Mitch na mag Angkas pero may lakad pala siya at kanina pa umalis.
Nakalipas pa ang limang minuto bago dumating si Aji. Hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako at pumasok nalang sa loob dahil ang sakit na ng paa ko.
"Sorry I was late. Traffic..." mabilis niya ring pinaharurot ang sasakyan paalis. Lumingon ako sa kanya. He looks so tired. Nagkakaroon narin siya ng eyebag. Lukot ang damit niya at may mga itim itim pa, banda sa dulo ng longsleeves niya. Parang oil.
![](https://img.wattpad.com/cover/357037258-288-k876277.jpg)
BINABASA MO ANG
Secret Serenade
Ficção GeralTheir relationship is just like any other childhood friends. Nothing more, nothing special. Evian Reyes knows that. Aji Escarez knows that. But when they both crossed that line, everything between them changed as the temptation, desire and the thril...