Evian
Shit lang. I bit my lower lip. Dahan-dahan akong napatingin kay Aji na seryoso lang na nagd-drive. Why did he post something like that? Napatingin ulit ako sa post. People were asking if sino ako and some recognized me. Nakita ko pa nga ang comment doon ni Raine na inikutan ko lang ng mata. Ang epal.
Binasa ko pa ang ilang comment. 'I knew it. There's really something going on with Evian and Aji. Highschool palang.' Sabi ng isang commenter. I looked at her profile. I don't know her. Baka ka-schoolmate namin before. 'Lol, hindi raw papatol sa friend. Look at him now haha' Napataas ako ng kilay dahil doon. Girl, kahit ako, hindi ko rin alam kung paanong naging boyfriend ko siya ngayon.
'Aww! Cute couple!' Napangiti ako roon. May ilan pa akong nabasang negative comments. Muntik ko na nga reply-an pero hindi ko dapat inaaksayahan ng oras ang mga katulad nila. Mga inggit lang siguro sila kasi nakuha ko ang hindi nila makuha-kuha.
Doon ko na-realize na kaya siguro marami narin ang nag follow sakin. I took the bouquet of red roses. Nagtaka si Aji pero hindi nagsalita. Nag selfie ako with it. At nag take ako ng picture na 'yung bouquet lang at nasa background si Aji. I decided to post it on my story. Hindi ko na tinag si Aji, baka kung ano pang isipin niyan.
At dahil matagal pa nga ang biyahe, naisipan kong umidlip muna.
Nang magising ay nasa biyahe parin kami. I stretched my arms and yawned. Mabilis na lumingon sakin si Aji and he softly patted my head.
"Gusto mo bang kumain?" He asked.
"Malayo pa ba tayo?" I looked outside.
"Medyo malapit na..."
"Then later nalang."
After half an hour, nakarating kami sa parang subdivision. Parang exclusive. Marami kaming dinaanan na bahay bago kami tumigil sa isang malaking bahay. Two-storey lang naman pero malawak ang space tapos may garahe pa.
"Kaninong bahay 'to?" Tanong ko kay Aji pagkababa ko.
"Atin..." hinawakan niya ang kamay ko at iginiya papunta sa loob ng bahay.
"Atin?" Nagtaas ako ng kilay. Nang makapasok sa loob, namangha naman ako dahil malawak nga ang space tapos ang gaganda pa ng mga furnitures na nakalagay.
He chuckled. "Oo. Atin. Explore the house first, baby. Kung hindi mo magugustuhan then I will sell this."
"You already bought this?" Nagpunta ako sa may left side dahil may maliit na bar counter doon.
"Yeah. Someone I know sold this place to me. Hindi ko sana bibilhin kaso I remembered that you want a house na malapit sa beach, so I bought it..." he smiled.
What? Really? Sinabi ko ba 'yon? Sure, gusto ko talagang magkaroon ng rest house or bahay talaga na malapit sa beach pero hindi ko natatandaan kung sa kanya ko ba sinabi. Baka nasabi ko noong bata palang kami.
I explored the house, tulad ng sabi niya. This house is really beautiful, I admit. May garden sa labas at meron pang space na pwede kong paglagyan na kahit maliit na pool. Umakyat ako sa second floor. There are three rooms and a little lobby. Isang master bedroom, guest room at empty room 'yung isa. Sabi ni Aji ay gagawin niya raw iyong gym kapag nagustuhan ko ang bahay na 'to.
Pumasok ako sa master bedroom. Malawak at meron pang walk-in closet na malawak din. Mas malawak pa ata sa walk-in closet ko. Sobrang classy and minimalist lang ng mga designs kaya it was pleasing to the eyes.
My eyes sparkled when I saw the view of the balcony. Mabilis akong nagpunta roon.
Not far away from here, you can see the vastness of the ocean. It is blue and shining. Ang ganda. Wow. So, you're telling me na kung dito ako maninirahan, I'll get to see this view everyday for free? I'd definitely live here.
BINABASA MO ANG
Secret Serenade
Ficção GeralTheir relationship is just like any other childhood friends. Nothing more, nothing special. Evian Reyes knows that. Aji Escarez knows that. But when they both crossed that line, everything between them changed as the temptation, desire and the thril...