Chapter 30

3.3K 101 17
                                        

Evian

Napasilip ako sa phone ko dahil panay ang text ni Mitch kung nasaan na raw ba ako. Nasa kwarto ako ngayon at nagaayos na. Nakatulog kasi ako kanina pagkatapos umalis ni Aji at nakalimutan kong sabihin kay Mitch na ihahatid ako ni Aji.

After putting on my clothes, tinawagan ko agad si Mitch. Malapit narin kasi mag 5 ng hapon.

"Where are you, girl?" Tanong agad ni Mitch.

"Hindi ako makakasabay. Send me your address nalang."

"Why not? May emergency ka ba?" Rinig ko mula sa background ang mga boses nina Cade.

"Wala naman... ihahatid kasi ako ni Aji."

"Ay weh?!" Nagulat siya. "Iba talaga ang baklang 'to! Nanlalamang masyado!" Malakas siyang tumawa na kailangan ko pang hinaan ang volume kasi ang sakit sa tenga. "O siya, sige! It-text ko nalang sayo ang address. Pero bilisan mo, ah! Magtatampo malala talaga ako!"

Pinatay ko na ang tawag. Ang lakas ng boses niya kahit nasa call at kahit medyo binabaan ko na ang volume. Parang nasigaw na siya sa speaker. Kahit sa personal, ang lakas din na para bang sumisigaw na siya mismo sa tenga mo. Ewan ko ba sa babaeng 'yon, daig pang megaphone sa lakas ng boses. Noong una naman naming pagkakakilala, medyo mahina pa ang boses at may pagka-mahinhin kahit papaano. Pero ngayon, lantad na ang kanyang true colors. Kimi!

Naisend na ni Mitch ang address at agad ko iyong finorward kay Aji.

Napatingin ako sa oras. Tapos na ang klase niya ngayon.

Aji:
Alright. Wait for me.

Tumingin ako sa whole body mirror para tignan ang outfit ko. Simple lang naman since iinom lang naman kami sa bahay ni Mitch. Wala rin ako sa mood na bonggahan ang outfit ko at medyo tinatamad ako. Simpleng white shirt lang and boyfriend jeans. Hindi rin bongga ang make up ko. Inayos ko lang ang kilay ko at naglagay ng liptint.

Iniisip ko kung magdadala ako ng jacket pero ayoko kasing may bitbitin pa ako. Baka makalimutan ko rin mamaya paguwi.

"Are you done?"

"Ay palakang butiki!" Halos mapatalon ako sa gulat. Napatingin ako kay Aji na naka-uniform parin pero sobrang gulo ng buhok. "Mag knock ka naman! Nagulat ako!"

Natawa lang siya.

"At hindi ka nag helmet, 'no? Ang gulo ng hair mo!" Inis kong sabi rito. Napasilip siya sa salamin at inayos ang kanyang buhok.

"Pogi parin naman," sabi niya habang inaayos ang kanyang buhok pero hinila ko lang ang buhok niya. Napangiwi siya roon.

"Always wear your helmet, Aji!"

"I'll keep that in mind," atsaka ko binitawan ang buhok niya. Inayos niya ulit iyon. "Nagmadali lang ako kanina kasi ayokong naghihintay ka. And you hate waiting."

"At talagang nagdadahilan ka pa?!"

"Hindi po," malambing niyang sinabi at niyakap ako mula sa likod. He sniffed my neck like a dog and planted a kiss. "Ang bango mo. Huwag kana kaya umalis?"

Tinampal ko ang kamay niya. "I already said yes to Mitch. Hindi pwedeng hindi ako pupunta. At bitawan mo nga ako, ang pawisan mo! Amoy pawis ka!"

Binigyan niya muna ako ng mabilis na halik sa pisngi bago lumayo. "Magbibihis lang ako tapos aalis na tayo."

Pinagpatuloy ko naman ang pagaayos ng buhok ko. Okay lang kahit wala akong ayos sa make up o damit, basta huwag sa buhok ko. Hindi mo ako mapapalabas ng bahay na may bed hair pa ako, o basta hindi nakaayos ang buhok kasi I will die, if ever. Maganda naman ako pero iba parin kapag maayos ang hair mo.

Secret SerenadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon