Evian
"Nice pose, Evian! Keep it up!"
Nasa kalagitnaan kami ng shoot ngayon and everyone is busy doing their own job. Ngayon nalang ulit ako nagkaroon ng shoot dahil nakiusap talaga ako na bigyan ako ng break dahil sa college. Mabilis naman 'yun pinayagan ng management ko. Thankful din ako sa kanila dahil hindi nila ako masyadong pini-pressure. Maybe because I'm still not a full-time model. I wish Daddy will let me be na. I'm quite confident na kaya ko namang pagsabayin ang studies ko kahit sobrang nab-burnout ako lately.
Ewan ko ba. May sumpa ata ang pagiging college student. Or maybe ako lang 'yon. But whatever, I'm smart so I'll do good. Sana.
Natapos ang shoot and damn, I am so exhausted. Dalawang brand kasi ang shinoot namin today at mabuti nalang ay wala akong pasok ngayon. Pagod akong umupo sa harapan ng malaking salamin.
"How's college life?" Tanong ni Ate Gwen na nakaupo na sa tabi ko.
"Super tiring," kumuha ako ng wipes na pangtanggal sa makeup.
Natawa si Ate. "Been there. Pero try to have fun, as much as you can. Go to parties with your friends or eat out with your friends," nagkibit balikat siya. "Or try to find yourself a boyfriend. Mas lalong magiging memorable ang college life mo."
I frowned. "I can make my college life memorable without a boyfriend, Ate."
Natawa lang si Ate Gwen sa sinabi ko.
Hindi ko alam pero biglang pumasok sa isip ko si Aji. Napatingin ako sa singsing na binigay niya at simula nung araw na 'yon ay hindi ko ito tinatanggal. He doesn't like it. Inirapan ko ang sarili. So what if he doesn't like it? Ako parin ang masusunod. Tinanggal ko ang singsing at nilagay sa bag ko.
Pinagpatuloy ko ang pagtatanggal ng makeup because I want to go home and mag rest.
Pagbaba ko sa may parking lot, napansin kong may isang lalaki na naghihintay sa isang kotse. Namilog ang mga mata ko.
"Kuya Des!" Mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap. Natawa si Kuya sa action ko.
"Missed me?" Binigyan niya ako ng masayang ngiti.
"So much! Bakit now ka lang nagpakita sakin?" Medyo nagtatampo kong sinabi.
"Sorry. Naging busy lang sa work..."
Ngumuso ako. "Kanina ka pa ba here?"
"Yes, actually. I didn't bother going up there kasi baka maabala ko kayo, so I ended up waiting. And besides, I wanted to surprise you."
"Hmph!" Hinawakan ko ang braso niya. "You owe me dinner now!"
"Where do you want to eat?"
"Sa mura o sa mahal?"
He smiled. "Anywhere you want, Evian."
"Okay! Let's go!" Sinabihan ko muna ang driver ko na mauna na dahil kay Kuya Des ako sasabay bago ako sumakay sa kotse ni Kuya na mukhang bago pa. "I want pasta, Kuya."
"Alright. Pasta it is."
Dinala niya ako sa isang malaki at sikat na restaurant. Inasar ko pa si Kuya Des kasi mahal dito pero ayos lang daw. Siguro ay na-promote siya kaya ang lakas mag aya.
Habang naguusap kami ni Kuya Des, umilaw ang phone ko at nakita kong tumatawag si Aji. Nakita rin iyon ni Kuya. Mabilis kong pinatay ang tawag.
"Oh, bakit mo pinatay?"
"He can wait. Ngayon lang tayo nagkita ulit kaya I don't want to waste my time talking to him." Palihim pa akong umirap at kinuha ang wine glass.
"Nagaaway parin kayo?" Natatawa si Kuya. "You're both a college student now. Graduating pa si Aji. Pero parang aso't pusa parin kayong dalawa."
BINABASA MO ANG
Secret Serenade
General FictionTheir relationship is just like any other childhood friends. Nothing more, nothing special. Evian Reyes knows that. Aji Escarez knows that. But when they both crossed that line, everything between them changed as the temptation, desire and the thril...