Evian
I feel extremely drained after I finished the exam. Ewan ko ba. Lahat naman ng inaral ko ay nandoon pero feeling ko ay babagsak parin ako. Sobra na ba akong nap-pressure? I sighed.
"Saan ka pupunta? Tara bar!" Hinawakan ni Mitch ang braso ko.
"Bar? Girl, may exam pa tayo bukas," I rolled my eyes at her. Yep, may exam pa ako bukas. Hindi lang puro minor subjects kasi may major subject na, kaya I need to study later again. Bumagsak na ako sa lahat, huwag lang sa major subject.
Wait.
I don't want to fail.
Ayokong bumagsak! Kahit minor pa 'yan!
Ah, I want to cry right now.
"Chill-nom lang," ngumuso siya. "Pero madadali lang naman ang exams so far. I bet bukas, madali rin. What do you think?"
"I don't know. May major exam tayo tomorrow..."
She sighed. "Sabagay..."
Paglabas namin ng building, nagulat ako dahil umuulan pala. Hindi ko napansin na umulan na pala kasi sobrang occupied ng utak ko dahil sa exam. Ang malas lang kasi saktong wala pa akong dalang payong. Napatingin ako kay Mitch to ask her if may dala siya pero mukhang wala rin kasi wala siyang kibo na nakatayo lang sa tabi ko.
My phone vibrated.
Aji:
Are you done?Me:
yep, kakatapos ko lang
how about you?Aji:
We finished an hour ago. Where are you?Me:
outside the buildingAji:
Wait for me there."Wala kang payong, girl?" Mitch asked me.
"Kung meron, kanina ko pa sana nilabas."
She scoffed. "Ano ba 'yan. Ang laki-laki ng bag mo pero wala ka man lang payong!"
"E ikaw? Ano bang silbi mo? 'Yang bag mo nga, parang ballpen lang ang kasya!" Bwisit na babae na 'to. Ngayon niya pa ako iniinis.
"Excuse me? Hindi lang ballpen ang kasya rito, pati make up brushes kaya! Duh!"
Ano namang nakaka-proud doon?
"Evian! Mitch!" Sabay kaming napalingon kay Cade. Lumapit ito samin.
"Oh, Cade. Tapos na exam niyo?" Tanong ni Mitch.
"Ah, oo. May dinaanan lang ako sa Engineering kaya napadaan din ako rito. Tapos narin ba kayo?" He looks so fresh. Bagong gupit at ang bango niya rin. Mukhang nagpalit siya ng pabango.
"Yep. Nagpapatila lang ng ulan..." sagot niya.
"I have an extra umbrella," si Cade.
"Talaga? Give it to me!" Binigay ni Cade ang extra niyang payong kay Mitch na agad niyang binuksan.
"Where are you going?" Para kasing nagmamadali siya.
"Secret! Aalis na ako. Ingat! Ciao!" At mabilis siyang umalis kahit muntikan na siyang madulas. Mahina akong natawa dahil doon.
"How about you?" Cade glanced at me. He gave me a innocent and genuine smile. Ngumiti rin ako sa kanya. "Hindi ka pa ba uuwi?"
"May hinihintay ako, e..."
"Oh, okay lang. Hintayin ko nalang na sunduin ka."
"Ah, hindi na. Baka mainip ka lang..."
"No, no, it's okay. Wala rin naman akong gagawin," he smiled again. Wala akong nagawa kundi hayaan nalang siya. "So, how's the exam?"
![](https://img.wattpad.com/cover/357037258-288-k876277.jpg)
BINABASA MO ANG
Secret Serenade
Fiction généraleTheir relationship is just like any other childhood friends. Nothing more, nothing special. Evian Reyes knows that. Aji Escarez knows that. But when they both crossed that line, everything between them changed as the temptation, desire and the thril...