Chapter 34

1.6K 56 5
                                    

Evian

Nag stay pa kami sa may falls for another hour kasi bumili pala si Aji ng beer na hindi ko alam. Nakaupo kami sa may camping chair at busy kami pareho sa aming phone. May tumawag kasi kay Aji na mukhang business pa ang pinaguusapan kaya I don't want to interfere. Ako naman, nagtitingin ng mga magagandang pictures na pwedeng i-post.

Naramdaman kong lumapit si Aji. Inakbayan niya ako at nakisilip sa phone ko.

"Ang baho mo," maarte kong sinabi. Well, hindi naman siya totally mabaho. Ayoko lang nung amoy ng beer sa kanya.

"Let's take a picture," sabi niya, hindi pinansin ang sinabi ko. Inabot niya sakin ang phone niya. Napairap nalang ako at kinuha iyon. Nag selfie kami at naka-ilang takes pa kasi syempre, gusto ko maganda ako sa lahat ng mga pictures.

"Oh ayan," inabot ko pabalik sa kanya ang phone niya. "May picture ka na naman sa idol mo. Ingatan mo 'yan, ha."

"Sure. Thanks, idol," he chuckled. "May dala akong tripod. We can use that if you want."

"Bakit may dala kang tripod? At bakit ngayon mo lang sinabi?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"It's for you. Though I forgot to tell you..." he smiled. Napairap nalang ako at pinakuha ko sa kanya ang tripod. Inis lang kasi ngayon niya lang sinabi na meron pala siyang dalang tripod. Edi sana nakapag-picture na ako rito ng marami.

Inayos niya ang tripod at nilagay doon ang phone ko. Ang ganda lang kasi meron pang shutter button na kasama kaya hindi na kailangang magpabalik-balik.

We took a lot of pictures. Like a lot. Pero mas marami pa ata ang pictures ko kesa sa kanya. Ayaw niya kasing magpa-picture, kung hindi ko pa napilit ay wala talaga siya. Of course, meron din kaming picture na kaming dalawa.

Tuwang tuwa ako nang matapos kami. Ang gaganda ng mga pictures! Ang ganda na nga ng background namin, ang ganda ko pa!

"We should go. Baka hindi ka na makaabot sa klase mo..." napatingin ako sa aking relo. It's almost lunch! Mamaya pa namang 1 pm ang pasok ko pero need narin naming umuwi dahil b-biyahe pa kami at magaayos pa ako.

Inayos niya ang mga gamit. 'Yung beer atsaka camping chair ay iniwan niya sa may tabi.

"Bakit mo iniwanan 'yan diyan? Kunin mo!"

"It's okay, may kukuha niyan diyan," tinaasan ko lang siya ng kilay. "This is a private property, okay? May maglilinis diyan."

"Kahit na! Kaya mo namang linisin, bakit hindi mo gawin? Ipapaubaya mo pa sa iba!" Wala naman kaming kalat na iniwan pero it's still feels illegal to just leave it here. Kinuha ko ang camping chair na ginamit at tinuro ko ang bote ng beer. "Take it!"

He sighed. Wala siyang nagawa kundi kuhanin ang bote at nilagay sa isang bag.

"Let me hold that for you, baby." Kinuha niya sakin ang camping chairs. Inayos niya iyon sa motor niya habang pinapanood ko lang siya. Halos maglaway naman ako. Paano ba naman kasi, naka-short lang siya at naka-white na sando.

Pagkatapos suotan ng helmet, umalis narin kami roon. Paglabas ng malubak na daan na iyon, tumigil kami sa isang kanto. May nakita akong kahoy na upuan kaya naupo muna ako. Ang init narin kasi.

Nakita ko si Aji na lumapit sa isang kotse at may bumabang lalaki na naka-suit. Kinausap niya ito sandali hanggang sa lumapit ang lalaking naka-suit para kuhanin ang gamit namin. Maya-maya ay si Aji ang lumapit.

"Let's go..." sumakay kami sa kotse at nakita ko nalang na nakaalis na ang motor, at ang nagd-drive ay 'yung lalaki kanina.

"Who's that?" I asked.

Secret SerenadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon