Evian
Naalimpungatan ako dahil sa boses ni Aji. May kausap siya sa phone. I yawned and stretched my arms. Napangiwi pa ako dahil nangimi pa ang aking paa. Hirap tuloy igalaw.
I looked at Aji. Saktong kakababa lang niya ng phone. Napatingin ako sa bintana. Puro puno nalang ang nakikita ko.
"Malapit na ba tayo?"
Sumulyap siya sakin. "Yeah."
Namangha naman ako dahil mula rito, kita ko na ang asul na dagat. Wow! It's so beautiful! Breathtakingly beautiful!
Sayang lang dahil hindi namin naabutan ang sunrise. Mabilis kasi ang pagsikat ng araw kaya kahit maaga palang ay tirik na agad ito. Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa lugar kung saan kami mag stay.
"Resort niyo?" Tanong ko. Nginitian ko ang lalaking tumulong sakin ibaba ang ilan kong gamit.
"Nope. Gagawing rest house ni Mama." Sagot niya. Dinala niya ang iba kong gamit at dinala sa isang kwarto.
Modern design ang interior nito at mukhang under renovation palang. Wala pa naman masyadong nababago kaya hindi pa marumi at may ilan pang gamit na natitira.
Sumunod ako kay Aji sa kwarto. Medyo maliit ito at tama lang sa isang tao. May aircon kaya okay narin. Inayos ni Aji ang bag ko bago ito tumingin sakin. Napansin kong nandito rin ang gamit niya.
"Why are you still here? Alis na," nakataas kong kilay na sinabi sa kanya.
"This is my room, too. Under renovation pa ang ibang kwarto at iisa lang ang available..."
"What?! In this small room? Tayong dalawa?" Gulat kong tanong. This can't be!
"Oo, bakit? May problema ba?"
"You're really asking me that? Are you blind or what?! The bed is small! You're big to even fit in there, ako lang ata ang kasya!" Reklamo ko.
I can't believe this guy!
Ngumisi siya at agad humalakhak. Tinignan ko siya ng masama. Anong nakakatawa sa sitwasyon namin ngayon?
"Well, sorry for being big..." napalabi ito at ngumisi.
Nanlaki ang mata ko at binato sa kanya ang paso na nasa tabi ko. Nagulat siya roon pero agad namang nasalo.
"You pervert! Pati ba naman dito, dala dala mo ang pagiging manyak mo? Paawat ka naman!" Singhal ko rito.
"Chill," muli siyang humalakhak. "Kasya tayo sa kama, ako ang bahala."
"Anong ikaw ang bahala? Mag ma-magic ka, gano'n?! And if this is the only room available, paano sina Castiel?!" Inis kong sinabi rito.
"Hindi sila makakapunta," kaswal niyang sinabi.
"Anong hindi?" Kumunot ang noo ko.
"Busy daw sila."
Nanatili ang nakakunot kong noo. Busy? Parang hindi naman ako naniniwala sa damuhong 'to. Don't tell me, ako lang talaga ang inimbita niya rito? Para inisin, gano'n? Grabe naman siya at talagang sa Batangas pa. Sari sari rin ang trip ng bwisit na 'to.
Napabuntong hininga ako. The place is beautiful kaya hindi dapat ako ma-stress dahil lang sa isang lalaki. Oo, tama. I need to calm down. Huminga ako ng malalim at kalmadong lumabas ng kwarto.
Para maibsan ang inis ko ngayong umaga, lumabas ako ng rest house.
Sinalubong ako ng malamig na simoy ng hangin. Medyo malakas ang hangin ngayon na pati ang mga dahon ng mga puno ay sumasayaw. Sinuklay ko ang aking buhok at naglakad sa buhangin. Puti at pino ang sand, parang sa Boracay lang. Dinig din ang paghampas ng mga alon.
BINABASA MO ANG
Secret Serenade
Ficção GeralTheir relationship is just like any other childhood friends. Nothing more, nothing special. Evian Reyes knows that. Aji Escarez knows that. But when they both crossed that line, everything between them changed as the temptation, desire and the thril...