Chapter 31

1.4K 50 5
                                    

Evian

Pumasok kami sa loob ng kanilang bahay. Malawak at modern ang design. May malaking portrait ng family picture nina Mitch kasama ang parents niya. Her parents look so powerful. Ang kanyang ama ay nakaka-intimidate tignan mula sa picture habang ang kanyang ina naman ay mataray. Then there's Mitch, smiling so widely.

"Bilis! Kanina ka pa nila hinihintay," hinila ulit ako ni Mitch papunta sa isang guestroom. Nakita ko roon ang mga kaibigan nina Mitch na pabilog na nakaupo habang nanonood ng movi sa TV. Marami ring nakakalat na pagkain at may mga inumin din. May yelo pa sa gilid. "Guys! Evian's here!" Nahiya ako sa biglaang pagsigaw ni Mitch.

Dahil sa sigaw niya, napatingin sila saming lahat. Kahit na ilang beses na kami nagkasama, nahihiya parin ako sa kanila. Syempre, nahihiya rin naman ang katulad ko, ano!

"Hi!" Binati ko sila.

"Hi, Evian!"

Naupo ako sa tabi ni Mitch at sa kaliwa ko naman ay si Cade na may hawak na red cup. Ngumiti siya sakin kaya ngitian ko rin.

"Kain ka muna, Evi," inabutan ako ng carbonara ni Mitch. "Kain muna bago uminom. Baka sumama tiyan mo. Do you want to eat rice ba? May adobo and shrimp."

Umiling ako. "I'm okay na here." Wala ako sa mood kumain ng rice today.

Napansin kong parang marami kami ngayon. May ibang kasama na hindi ko kilala at hindi ko pamilyar. Baka iba pang kaibigan ni Mitch sa ibang department. Medyo lumalawak narin kasi connection niya sa school, lalong lalo na sa CAS. Ewan ko ba riyan, palaging nagala roon kapag vacant o kaya lunch.

Maingay sila at may pa-music din si Mitch. Kung gusto naman nila ay pwede ring mag-karaoke kaso mukhang wala pang malakas ang loob dito. Nagkakahiyaan pa siguro.

After I ate the carbonara, mabilis akong inabutan ni Mitch ng shot.

"Mamaya naman ng konti, Mitch!" Grabe, smelling the hard alcohol makes me want to vomit agad.

"Drink it, mabilis lang! Baka kasi takasan mo ako!" Wala akong nagawa kasi halos isalpak na niya sa mukha ko 'tong inumin kaya ininom ko na. Mabilis naman iyon gumuhit sa lalamunan ko at napapikit nalang ako sa pait. Mukhang hindi ako masasanay sa lasa ng alak.

"Okay ka lang?" Natatawang tanong ni Cade. Napanood niya ata kami ni Mitch.

"Medyo," I answered. "Mitch's a little bit pushy today."

"Yep. Broken kaya ganiyan," mabilis akong lumingon sa kanya at nanlaki ang mata.

"Broken hearted siya?" Gulat kong tanong.

"Oo. You didn't know? Kaya rin siya nag aya mag inom ngayon kasi wasak ang puso niya," natatawa niyang kwento.

"What? Seryoso ba?"

"Yeah," medyo sumeryoso narin siya. "Hindi niya sinabi sayo?" Umiling ako. Napatingin tuloy ako kay Mitch na nakikisaya sa mga kaibigan niya sa may karaoke. "Hindi ko alam. Pero totoong broken hearted nga si Mitch. I don't know the whole story but she got dumped..."

"Dumped? Nino?"

Nagkibit balikat siya. "Dumped by a girl. I think her name is Gwen, limot ko ang surname. Basta something Gwen. She's from CAS, too."

My mouth formed into 'O'. I can't believe it. Hindi na kasi nagsasabi sakin ang gaga. Basta nalang 'yan aalis para pumunta sa CAS at laging sinasabi ay pupuntahan sina Cade pero mukhang iba ang pinupuntahan niya. Tapos ngayon, she got dumped by whoever that girl is. Kaya naman pala nagpupumilit na mag inom kami.

Kaya siguro hindi na siya masyadong sumasabay sakin kumain sa lunch kasi may dinadayo pala siya sa CAS.

"It's different from what she told me. Sabi niya, kayo ang nag aya and chill-nom lang ang magaganap..."

Secret SerenadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon