Chapter 38

1.7K 42 3
                                    

Evian

Hinila ko na palabas si Aji bago pa siya magsalita ng kung ano. Nginisian niya lang ako habang palabas kami ng bar. Mas marami na ang tao ngayon kumpara kanina. Mabuti nalang ay kasama ko na si Aji para ma-protekhan niya naman ako. Aanhin niya ang malaking katawan niya na 'yan kung hindi niya naman gagamitin para sakin, right?

"Aji," pareho kaming natigil dahil sa babaeng tumawag kay Aji. She looks masculine with her outfit. A white longsleeves and a black slacks. Her hair is a bit pushed back, too.

"Nyx," bati ni Aji.

Nyx? Bahagyang kumunot ang noo ko. I don't know her.

"I just got here. Uuwi ka na agad?" Napansin niya ako. She smiled boyishly. "And who's this beautiful woman behind you?" Nagulat ako dahil lumapit ito sakin pero bago niya pa mahawakan ang kamay ko ay humarang na agad si Aji. Nyx looked confused.

"Fuck off," inis na sabi ni Aji.

"Chill, asshole. Ano mo ba 'yan, pinsan?"

"Asawa ko." May diin ang boses nito. Ang assumero naman nito!

"Gago, kailan mo pa niloko si Evian?" She knows me? Sumilip ako at mukhang gulat si Nyx na medyo inis narin.

"He is Evian," nagkatinginan kami ni Nyx at maliit akong ngumiti sa kanya.

"Holy shit. Seryoso?" Nagulat ako dahil biglang nasa harapan ko na siya. Parang wala naring nagawa si Aji at nakatingin nalang. Nyx looked at me from head to toe. Napansin ko ang hawak nitong cigarette stick. "Want to become my model?"

"Model?" Gulat kong tanong.

"Yeah. May agency ako, and my sister is in charge of that. I'm sure she'll like you. Wait, sorry, I forgot to introduce myself. I'm Nyx Benavidez." Nilagay niya ang cigarette stick sa bibig niya at nilahad ang kanyang kamay.

Tinanggap ko iyon. "Evian Reyes..."

"I'm your boyfriend's business partner," she smirked. "Heard you're into modelling. You're handsome and freaking beautiful, too. You'll-"

"Stop it, Nyx," hinila siya ni Aji palayo sakin. "He won't be joining. Uuwi na kami." Hindi niya na pinatapos magsalita si Nyx. Hinila na ako palabas ni Aji hanggang sa makarating kami sa Wrangler niya.

"Nyx Benavidez?" Now, her name sounds familiar. Parang narinig ko na somewhere.

"Don't mind her," pinagbuksan niya ako ng pinto. Ngumuso ako at pumasok nalang. Pumasok narin siya pagkatapos. Lumapit siya sakin. I thought he was aiming for my lips pero is-seatbelt lang pala ako. He noticed my reaction and chuckled. Namula ang buo kong mukha dahil doon. Ano ba naman 'yan!

"Don't laugh nga," inis kong sabi rito.

"I'm not," he smirked. Pinatong niya ang kamay niya sa may headrest at hinawakan ang chin ko. This time, he really aimed for my lips. We kiss slowly as if savoring the moment. Parang bumagal ang oras. It's as if I can't hear anything else but the sound of our lips kissing passionately and slowly that everything else seems to fade away. "I missed you..." he revealed.

"Hmph," I rolled my eyes. "Hindi mo nga ako pinapansin tapos may gana ka pang ma-miss ako?"

He lowly chuckled. "Your fault..."

"How did it become my fault?" Napahawak pa ako sa aking dibdib, as if offended.

"You know the answer to that, Evian."

Ngumuso ako. "Tss. I know, I know. Alam kong kasalanan ko."

"Really? Sige nga, ano ang kasalanan mo?"

Secret SerenadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon