Chapter 27

4.5K 114 23
                                        

Evian

Nagpahinga agad ako pagkarating ko sa condo. Sobrang pagod ako kahit puro lectures lang naman kami ngayon. Sa tuwing naalala ko ang mga activities, parang naiiyak na agad ako. Parang dati naman, kaya ko pang isingit ang mga extra-curricular activities pero ngayong nasa college na ako ay tamang aral nalang talaga. Mabuti nga ay nagagawan ko pa ng paraan ang modelling ko.

Napapaisip tuloy ako kung ipagpapatuloy ko pa ba o tatapusin ko muna ang college bago ako mag model ulit kasi hindi pala talaga biro ang modelling, 'yan ang na-realize ko. Hindi pa naman ako masyadong sikat pero ramdam ko na agad ang pagod but I love what I'm doing. I love modelling. Naiintindihan ko na si Daddy kung bakit ayaw niya akong mag full time pero I still want to do it. Pangarap ko palang iyon noong bata palang ako and I don't want to stop here.

Napailing ako sa iniisip. Baka nadadala lang ako sa emosyon ko kaya ko naiisip ang mga bagay na 'yon.

Nag blink ang phone ko. Aji texted me.

Aji:
Come over.

Nagtaas ako ng kilay.

Me:
demanding ha

Aji:
Come over, please.

Me:
why ba

Aji:
Want you here with me
Continue your school works here

Nagisip-isip ako. Napatingin ako sa buong living room. Ang tahimik. Nagawa ako ng school works dito. Kanina pa ako rito pero wala pa sa kalahati ang nagagawa ko. Minsan kasi ay nad-distract ako sa mga notifications sa phone ko. I can't help but look at it. Tapos mamaya, nasa TikTok na naman ako. A never ending cycle.

Ilang minuto ako nag isip hanggang sa inayos ko ang mga gamit ko para dalhin sa unit ni Aji. Ang boring din kasi rito. Mabuti na nga lang ay nandiyan si Aji na kahit sobrang nakakainis siya, at least he can keep me company. At para narin akong mababaliw sa sobrang tahimik ng condo, hindi katulad sa bahay na kahit wala sina Mommy, nandoon naman sina Manang.

Nag doorbell ako at mabilis na nagbukas ang pinto. Ngumiti siya nang makita ako habang ako ay bahagyang natigilan pa dahil wala siyang suot na shirt kaya lantad ang maganda niyang katawan.

Pumasok ako sa loob pagkatapos mahimasmasan. Ang weird lang kasi ngayon lang ako nakapasok sa condo niya kahit ilang linggo na ako rito. Siya kasi ang madalas na dumadayo sa condo ko.

Halos same lang din siya sa condo ko, nagkaiba lang ng pwesto ang mga furnitures. Napatingin ako sa living room at nakita ko ang mga papel na nagkalat. May scientific calculator, ruler and scale, may protractor din, at maraming mga lapis.

"Sorry for the mess," inayos niya ang ilang papel at nilagay sa lamesa. "Kumain kana ba?"

"Yep," I answered. Kinuha niya ang mga hawak ko at nilagay sa table, katabi ng mga papel na gamit niya.

"Anong kinain mo?" Humarap siya sakin.

"Bakit ka nakahubad? Mag bihis ka nga!" Sobra akong nad-distract!

"Ilang beses mo na 'to nakita, ngayon ka pa mahihiya?" Kinuha ko ang eraser na nakita ko at binato ko sa kanya. Sakto iyon sa may dibdib niya.

"Shut up! Just put some shirt on!"

Tumawa lang siya at pumunta sa kwarto niya. Sumunod naman ako para makita ang kabuuan ng unit niya. Ang alam ko ay pare-parehas lang ang sukat ng bawat unit dito pero ewan ko, parang mas malawak itong kay Aji. O dahil wala siyang masyadong gamit? Parang sofa, ilang paintings, at TV lang ang alam ng living room niya. Tapos dining table at ilang gamit pang kusina.

Medyo madilim ang kwarto ni Aji nang dumating ako. More on black and gray ang mga gamit niya rito. Malaki ang kama at may malaking closet. Naupo ako sa dulo ng kama niya at pinanood siyang mag bihis. Napapikit ako at humiga sa kama. I really love his scent. Walang katulad. It gives me comfort, I don't know why. Siguro kasi matagal narin kaming nagkasama.

Secret SerenadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon