Evian
Dahan-dahan kong naibaba ang spoon and fork kong hawak at nakaawang ang labi na napatingin kina Mommy. Unti-unti ring namilog ang mga mata ko sa gulat.
"What?!" Napasigaw ako sa gulat sa sinabi nina Mommy.
"Yes, Evian. You will be living with Aji."
"But why?!" I can't believe this! Ako? Titira sa isang bahay kasama si Aji? No way!
"Well, he offered. Maganda rin iyon para matulungan ka niya at para mapanatag din kami ng Daddy mo about your safety." Mahinahon na paliwanag ni Mommy.
"But how about my privacy?! Mommy, malaki na ako. I can handle myself!"
Me? Tutulungan ni Aji? Sa katarantaduhan siguro, oo! Gusto kong magdabog pero dinner namin ngayon at ayokong magalit sakin sina Mommy. Ngayon nalang kasi ulit kami nagkasabay sabay kumain sa hapagkainan at baka lalo akong paghigpitan kapag nagdabog pa ako.
"Mom, Daddy, I can handle myself. Please, let me have my own place. Kahit pera ko nalang ang gamitin for that, ayos lang. Just let me live on my own!" Nagmamakaawa kong sinabi.
Nagtinginan silang dalawa at napabuntong hininga.
"We'll talk about it."
Napangiti agad ako roon.
Paguusapan palang nila pero alam kong papayagan din ako. Mommy smiled at me. I knew she's on my side. Si Daddy lang naman itong sobrang higpit and everything. Sayang lang kasi wala na sa bahay si Kuya Des para tulungan akong kumbinsihin si Daddy. Noong nakaipon si Kuya Des ng sapat para makalipat, umalis na siya sa bahay para maging totally independent.
"You can live on your own but I'll decide where. Okay? And keep your own money to yourself. Ako ang bahala sa lahat ng gastusin mo." Malawak akong napangiti sa sinabi ni Daddy. Sa sobrang tuwa ay niyakap ko siya at natawa na lamang siya sa asal ko.
Isang linggo pa bago ko nakuha ang desisyon ni Daddy. Ang tagal nga. Mukhang nahirapan si Mommy na kumbinsihin ang tatay ko pero ayos lang basta pumayag na si Daddy.
Just like he said, siya ang pumili ng condo kung saan ako maninirahan. Malapit nga lang iyon sa South University kung saan ako papasok sa college. Too bad lang kasi roon din napasok si Aji. Though I haven't seen him in awhile. Mukhang naging busy ulit sa trabaho niya. Not that I care.
A week before school starts, lumipat na ako sa condo. Kumpleto na ang mga gamit sa condo pati narin mga appliances na si Daddy ang nag asikaso ng lahat. Tinulungan naman ako ni Mommy na maglipat ng mga gamit ko sa bago kong condo.
"Anak, I trust you. You're a spoiled brat but you're responsible kaya alam kong you can live by yourself. Just stay away from trouble, okay?" Bilin ni Mommy.
I nodded. "Opo." Spoiled brat? Grabe si Mommy. I know that but it still hurts kaya. I'm trying to tipid na kaya para ma-practice ko na kung paano mag manage at mag budget ng pera kahit na marami na ako nun.
"I love you, 'nak." Mommy bid her goodbyes and left. Feeling ko nga naiiyak pa siya. Alam kong mam-miss niya ang kagandahan ko kaya siya naiiyak.
Pagkatapos kong ayusin ang mga damit ko sa kwarto, nagtungo na ako sa kusina para tignan kung anong pwedeng maluto but I suddenly remembered na hindi nga pala ako marunong. Napangiwi ako sa sarili.
This is my choice kaya dapat kong panindigan. But for now, let's order online.
Nag order ako ng chicken, pasta and pizza. Naisip kong bigyan ko narin ang mga kapitbahay ko para maging maganda ang first impression nila sa akin. I have four neighbors kaya apat na set ng pasta and pizza ang inorder ko.

BINABASA MO ANG
Secret Serenade
Fiksi UmumTheir relationship is just like any other childhood friends. Nothing more, nothing special. Evian Reyes knows that. Aji Escarez knows that. But when they both crossed that line, everything between them changed as the temptation, desire and the thril...