Chapter 10

2.5K 102 36
                                    

Evian

"Shot ka muna!" Inakbayan ako ni Raine at naupo kami sa sofa. Nandoon din ang pinsan kong si June, Kylie at Bernard. Of course, nandito rin si Cion.

I invited Ate Shane, Ate Gwen and the other people na naka-close ko but I guess they are pretty busy. I understand naman dahil alam kong marami rin silang shoot ngayon.

"I don't drink, Raine." Napangiwi ako nang makita ko ang tatlong litro ng Black at Red Label. Sa tabi ng mga ito ay mayroon pang GSM Mojito.

"Bro, it's your 18th birthday. Legal age ka na kaya let's drink! Don't worry, nagpaalam ako kina Tita kanina and they were fine with it." He assured me with a smile.

"Hindi ba matapang 'yan?" I asked.

"Hindi naman, Kuya. Hindi malakas tama niyan. Sakto lang..." sagot ni June.

Naningkit ang mata ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya or totoo ang sinasabi niya. Hindi pa kasi ako nakakatikim ng alak. Wine, yes. But mga hard liquor? No.

Sa tuwing naaalala ko kasi 'yung nag try kami ni Raine maginom ay grabe ang suka ang inabot ko. Grabe rin ang hangover. Tapos nalaman pa ni Aji kaya triple dead ako that time.

"Dali na, Evi! Mag saya naman tayo sa birthday mo!" Dagdag ni Raine.

"Fine!" Natuwa naman sila sa sagot ko. Napairap nalang ako at natawa nalang din.

Nagsimula sa akin ang shot dahil ako naman daw ang may birthday. Hindi na ako nakatanggi at ininom nalang iyon. Mojito ang una naming ininom, pang warm up daw. Masarap iyon kaya hindi na ako masyadong nagreklamo. And tama naman si Raine. Birthday ko ngayon kaya dapat magsaya ako.

Naisip ko bigla si Aji. Did he really forgot my birthday? Simula noong nag college siya at napalayo rito, somehow he changed. Nandoon parin naman ang anger issues niya pero feeling ko lang ay may nagbago.

Maybe he finally got himself a girlfriend?

Pinagkibit balikat ko nalang iyon. That thing doesn't matter to me. Kung magka-girlfriend siya edi congrats. I actually don't care. Maganda nga iyon para tigilan niya na ang pangingialam sa lovelife ko.

"Nga pala, nasaan si Aji?" Tanong ni Raine nang halos maubos na namin ang Mojito. Ang mga pinsan ko ay parang wala lang sa kanila kahit kay Cion na tingin ko ay first inom niya rin ngayon. Bakit parang ako lang ang natamaan? Am I that weak? Napalabi ako at nag kunwari na okay lang. Na kunwari hindi ako tinatamaan ng alak.

"I don't know," nagkibit balikat ako.

"Hindi nag message sayo?" Nagtatakang tanong ni Raine.

Umiling ako. "Huwag mo na hanapin ang wala. Sino na ba ang sunod na tatagay?"

Napatingin ulit ako sa aking phone. Marami ang bumabati pero hindi ko iyon pinapansin. Still no message from him.

Bahala siya!

"Evian, are you okay?" Tumabi sakin si Cion. Nakita ko si Raine na wala na sa sofa. Ang mga pinsan ko naman ay nagk-kwentuhan lang.

"Oo... how about you? Are you okay?" I tried to sit straight. Damn. Tinamaan na talaga ako. Nakakalahati na namin ang Red Label pero parang wala man lang epekto sa kanila iyon.

"I'm fine. Your face is red. Drunk ka na ba?" Hinawakan ko ang pisngi niya.

"Cion, I'm not drunk. Okay? I'm not." I tried to sit straight again. Nagawa ko naman pero minute later ay napasandal nalang ulit ako sa sofa. Fuck, I am drunk.

"Huwag ka na kaya uminom?" Nagaalala niyang tanong.

"I'm not drunk nga. Ikaw? Drunk ka na ba?"

Umiling siya. "Tumigil na ako nung naubos ang Mojito."

Secret SerenadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon