Evian
Inayos ko ang buhok ko, nagulo dahil medyo mahangin ngayon. Nakaupo ako ngayon sa buhangin, malapit sa may rest house dahil malapit na mag sunset. Ang digicam ko ay nakapwesto na sa may likod at naka-video para makuhanan ang sunset.
I really love sunsets.
Basta kapag mag sunset na, automatic na ilalabas ko ang phone ko para mag picture o kaya mag video. Daily routine ko na ata 'yon.
"What are you doing here?" Hindi ako lumingon sa kanya.
"Hindi ba obvious?" Mataray kong sinabi. Ramdam ko ang presensya niya sa likod ko at maya maya ay umupo ito sa tabi ko. Tinasaan ko siya ng kilay at ganoon din ang ginawa niya.
"Bawal ba ako rito?" Tanong niya.
"Oo. Huwag ka ngang tumabi sakin, naiinis parin ako sayo."
"Dahil sa polaroid mo? Come on." Natatawa niyang sabi na para bang ang babaw babaw kong tao. Tinignan ko siya ng masama.
"Wala kang pake. Sayo na 'yung polaroid, bwisit. Saksak mo sa baga mo para matuwa naman ako sayo." I rolled my eyes.
"I said, ibabalik ko. O kung gusto mo, ibibili nalang kita ng bago. Ilan ba?" Look at this guy. Akala mo kung makapagwaldas ng pera ay sa kanya. I'm aware naman na nagi-invest siya sa ilang company pero sa ngayon, pera ng parents niya ang ginagastos niya. And I'm also aware that his family is filthy rich. Old money.
"Shut up nalang please." Natawa siya roon at natahimik na ulit kami.
After a moment of silence, he asked me. "I heard from Tita Margaret that you want to be a model... is it true?"
"Ano ngayon kung totoo? And you know very well na dream ko 'yon simula bata palang ako." How could he forget that? Maliban kay Raine, sa kanya ko bukambibig iyon.
Matagal kong pangarap ang maging model. Siguro dahil may pinsan din akong modelo kaya na-inspire ako. Minsan narin akong nakaranas na mapanood ang mga model na mag pose sa harap ng camera at maglakad sa harap ng maraming tao. I was amazed how confident they were to be walking in front of many influential people. They were walking gracefully, so fiercely and so damn powerful as their beauty dominated the whole room. And I want to be like them. I want to be one of them.
Natahimik siya. Nagtaka naman ako sa reaction niya kaya napatingin ako sa kanya. He looks... pissed?
"Galit ka ba?" I asked him.
Lumingon siya sakin, nakakunot ang noo. "Bakit naman ako magagalit?"
"You tell me." Ang gulo talaga ng lalaking 'to. Daig niya pang babae sa pabago-bago niyang emosyon at attitude. Kahit na halos sabay kaming lumaki ni Aji, hindi ko parin maintindihan ang takbo ng utak niya. Mas magulo pa siya sa magulo.
Hindi ulit siya nagsalita. Nakatingin nalang kami pareho sa paglubog ng araw. Ang kulay kahel at kulay lila ay naglika ng magandang combination as it creates a magical blend of colors in the sky, providing a mesmerizing view. Watching the sun set is always a captivating experience. I just couldn't get enough of it. Kung pwede lang ay tititigan ko ito magdamag.
Sunsets tell us that each day has its ending... but there's always tomorrow. There's always another day. Ito ang laging nagpapaalala na sa bawat pagtatapos ay may bagong umpisa, at ang bawat paglubog ng araw ay nagtataglay ng misteryo ng isang bagong pag-asa.
I moved closer to him and leaned on his shoulder. Ramdam ko ang gulat mula sa kanya pero hindi siya nagsalita.
Kahit na palagi ko siyang inaaway at tinatarayan at palagi niya akong inaasar at pinipikon, it still doesn't change the fact that we're friends. Childhood friends. I still tell him stories at minsan nagr-rant sa kanya kapag punong puno na ako and nakikinig lang siya sakin. Minsan nangaasar pero alam kong whenever I needed him, he will always be by my side.
BINABASA MO ANG
Secret Serenade
General FictionTheir relationship is just like any other childhood friends. Nothing more, nothing special. Evian Reyes knows that. Aji Escarez knows that. But when they both crossed that line, everything between them changed as the temptation, desire and the thril...
