Evian
Napatitig ako sa suot kong relo at natulala. Nabalik lang ako sa ulirat nang may malakas na nagtambol sa drum. Nasa auditorium ako ngayon dahil first day of class. At dahil first day, of course, walang gagawin kundi orientation lang for all first years.
"Ang gagaling nila, 'no?" Napatingin ako kay Mitch. She's my classmate and kanina ko lang siya nakilala. Because of her madaldal and bubbly personality, nagka-click agad kami. She's very fun to be with.
"Yep," I agreed. "Ang pogi nung isa, oh."
"Napansin mo rin?" Nae-excite nitong tanong.
Natawa ako. "Pogi ba naman."
"Malabo mata ko pero basta kapag pogi, biglang lumilinaw ang mata ko."
Napatingin ulit ako sa lalaking nasa tabi ng MC. I think he's a member of the students' council. Lahat kasi ng nasa stage ay naka-suot ng black with a mix of white na polo and their position is written in the back of their shirt. He's tall, moreno, masculine and very very attractive. Meron din itong suot na salamin. He looks so matalino.
Nang matapos ang orientation, pumunta na kami sa labas. There's a lot of booth everywhere. Mostly ay mga organizations and clubs. May mga pagkain din naman.
"Oh, you're a model?" Tanong ni Mitch.
"Part-time. Ayaw pa kasi akong payagan kaya..." nagkibit balikat ako. Hanggang ngayon ay ayaw parin ni Daddy kahit na ilang beses na siya kinakausap ni Mommy.
"Pero that's great! Alam mo ang una kong naisip when I saw you? I thought na pwede kang mag model kasi you're so pretty. Tapos 'yang body proportion mo? Argh, kainggit!"
I chuckled. "Ang OA lang!"
"It's true kaya!"
Nalaman ko na anak din pala ng isang Congressman itong si Mitch tapos may mga business ang mother niya kaya super rich siya pero super gaan ng vibe niya. Not unlike other rich kids na sobrang yabang ng aura.
After a few minutes of strolling around, bumalik na kami sa room dahil may professor na raw na nandoon. Business Ad ang kinuha kong program because why not? Gusto ko sanang mag Engineer pero parang gusto ko nalang maging asawa ng isang Engineer. Charot lang!
Pagdating namin sa room ay nandoon na nga ang professor. Hindi naman siya nagalit nung dumating kami ng late pero pinapunta kami sa unahan para magpakilala. Inikot ko ng tingin ang buong room pero wala akong nakitang pamilyar.
"Ano ba 'yan. Akala ko wala ng klase," reklamo ni Mitch.
Wala namang klase pero parang nag orient lang ang professor about our course and gave us a glimpse about how he's going to grade us. After that, umalis narin kami sa room para kumain. It's not even lunch yet Mitch is already hungry. Hindi raw siya nag breakfast.
"Huy, ang pogi nun, oh," may tinuro si Mitch. May mga students na nakasuot ng maroon na polo and looks like they are also part of the students' council.
Felix North? I didn't expect to see him on the first day. Napalingon pa ako sa paligid if Aji is also here pero hindi ko siya nakita. Hindi ko rin inexpect na kasali siya sa council. But seeing his shirt, mukhang part siya ng council in his program.
"I know him," I looked at Mitch. "CEO siya ng company kung saan ako nagp-part time."
"Talaga?!" Nagulat siya. "He looks so young!"
"4th year na 'yan. Aeronautical Engineering..."
"Wow! Cool!" Kinikilig na sabi niya. "Pero tamang admire from afar nalang muna ako. Feel ko ir-reject niya lang ako!"
![](https://img.wattpad.com/cover/357037258-288-k876277.jpg)
BINABASA MO ANG
Secret Serenade
General FictionTheir relationship is just like any other childhood friends. Nothing more, nothing special. Evian Reyes knows that. Aji Escarez knows that. But when they both crossed that line, everything between them changed as the temptation, desire and the thril...