Evian
A year later, Aji is finally graduating from high school. Napatingin ako kay Mommy na siyang mini-make-up-an ko ngayon.
"Okay na ba, 'nak?" Tanong niya.
"Huwag kang malikot, My. Ganiyan kayo porket graduation ngayon ng favorite child niyo." May halong pagtatampo ang boses ko.
Natawa si Mommy. "Hindi naman sa gano'n, anak. Masaya lang kami para kay Aji."
Sus. Masaya. Napairap nalang ako sa aking ina at tinuloy ang aking ginagawa. Nagpa-make up siya sakin para raw maganda siya mamaya sa mga pictures. Ang OA lang ha. Kapag kay Aji, ganap na ganap ang lola niyo pero kapag sa akin, lipstick at blush lang ay okay na. Sa mga ganitong event ko talaga napapatunayan na si Aji ang anak nina Mommy.
Pagkatapos ay ako naman ang nag make up. Light make up lang at baka ma-inlove na sakin si Aji kapag tinodo ko ngayon. Kimi lang.
I'm wearing a two-piece suit cropped blazer and a trousers partnered with a Jimmy Choo Bing para naman tumangkad ako ng kaunti. Dinala ko narin ang aking Gucci Marmont Matelasse Mini White. Umawra muna ako sa salamin at nag take ng ilang mirror selfies at selfies. Syempre, hindi dapat mawawala ang mga pictures kapag ganito ka-bongga ang OOTD ko for today.
"Evian, let's go!" Rinig kong sigaw ni Mommy sa baba.
Nagpacute ako sa salamin one more time bago kinuha ang aking Louis Vuitton Clash Square Sunglasses. Ang ganda mo, self. Rawr!
Nung bumaba ako ay nasa sasakyan na sila kaya doon na ako dumiretso. Napatingin ako kay Daddy na naka-suit pa.
"Ganap na ganap kayo, ah," I rolled my eyes.
Natawa lang silang dalawa.
"Ikaw lang ang favorite child ko, Evian." Si Daddy na nakangiti sakin.
"Sus. Nahiya pa kayong banggitin ang pangalan ni Aji." Nagtawanan ulit sila.
Nagpunta na kami sa school para sa graduation ni Aji. Sabi ko nga ay huwag na pumunta sa school kasi matagal pa ang ceremony pero gusto raw nilang pumunta. Ang habol ko lang naman dito ay 'yung handa nila sa bahay nila. Masasarap kasi magluto ang mga tauhan nina Aji. Palibhasa kasi ay puro mga professional chef ang naroon.
"Hi, Tita Ara!" Pagbati ko sa nanay ni Aji. Nag beso kami ni Tita pagkatapos ay si Mommy naman.
"Hi, Evian! You look stunning today, wow!"
Napangiti ako. "Thank you, Tita. Hi po, Tito George." Nakipagbeso rin ako sa tatay ni Aji.
"Hello, Evian..." ngumiti si Tito sakin. "It's been a long time. Hindi ka na nabisita sa bahay."
"Ay naku, kung alam niyo lang. Maya't maya na ang alis ng batang 'to. Maraming manliligaw!" Si Mommy na tuwang tuwa.
"Is that true, kid?" Nahihiya akong tumango kay Tito at mahinang natawa.
"Hindi naman po. OA lang si Mommy."
Natawa ang mga matatanda.
"It's normal. A pretty boy like Evian should date many boys." Si Tita Ara.
"Oo nga. But his father won't let him. Ewan ko ba diyan, masyadong mahigpit." Si Mommy.
Natawa si Dad. "He's still my princess kaya I'm just protecting him from boys. They won't do good to my baby."
Hindi na ako nakisali sa usapan nila dahil naging business na ang topic. Wala akong alam sa mga ganoon kaya tinignan ko nalang ang buong lugar. Nasa may itaas na part kami at ang mga graduatees ay nasa ibaba. I was busy looking for Aji when my phone beeped.
BINABASA MO ANG
Secret Serenade
Ficción GeneralTheir relationship is just like any other childhood friends. Nothing more, nothing special. Evian Reyes knows that. Aji Escarez knows that. But when they both crossed that line, everything between them changed as the temptation, desire and the thril...