Evian
I looked at Raine na busy siya sa pagsusulat ng mga lectures. Okay na sana kaso bakit may nakangiti pa siya habang nagsusulat? Is he out of his mind? Ayoko sanang pansinin pero nab-bother ako. Hindi na kasi kami madalas magkasama dahil sa babae niya.
Siniko ko siya. "Nakangiti ka riyan."
"Of course," nakangiti parin siya. "Good mood lang."
"What happened?"
"Kwento ko mamaya..." naintriga naman ako roon. Ano ba 'yan, bakit mamaya pa? I want to know now. Kaso meron pa kaming isang subject after this.
Ang nakakapanibago lang kay Raine ay hindi na ito natutulog sa klase at palagi pang nagsusulat ng lectures. Minsan nga ay nagugulat nalang ako na nataas siya ng kamay for recitation na hindi niya naman laging ginagawa. Parang dati naman ay wala siyang paki sa acads kaya naninibago ako.
Hindi naman sa ayokong magbago siya. Of course, I want him to change pero parang ang weird din pala. And I want to know who's behind it. Kung bakit nag change for better ang bestfriend kong ito.
"Spill the kwento, please!" Agad akong humarap kay Raine pagkatapos ng klase. Lunch na kaya maraming oras para sa kwentuhan.
Natawa si Raine. "Excited?"
"Of course!"
"May ipapakilala muna ako sayo bago ako magkwento." Ngumiti siya pero may kung ano sa ngiti niya na hindi ko ma-explain.
Dahil gusto kong malaman ang kwento, sumunod nalang muna ako sa kanya. Nagpunta kami sa may likod ng school na may mini garden. Madalang ang mga tao rito dahil may rumors na dati raw itong cemetery at maraming wandering ghosts. Hindi naman ako naniniwala sa mga multo kaya keri lang.
Tumigil kami sa isang bench na may maliit na table. Tinignan ko ang lalaking nakaupo roon. Nakasuot ito ng salamin at may hawak na libro.
Oh, I know him. Grade 9 na siya ngayon at palagi siyang nagt-top 1 sa batch nila. Palagi ko siyang nakikita dahil sa tuwing may recognition ay palaging siya ang nangunguna. At kapag sumasali ako sa mga contest sa loob ng school, naroon din siya. Lalo na kapag quiz bee o kahit anong related sa math, nandoon siya. Nerd. I forgot his name, though.
Tumabi si Raine sa kanya.
"Evian, this is Cion, my boyfriend."
"What?!" Napasigaw ako dahil sa gulat. Mukhang nagulat din sila lalo na si Cion. Napaayos ito ng salamin at napayuko.
"Evian," tinignan ako ng masama ni Raine.
"Sorry," napaubo ako. "I didn't mean to shout. Nagulat lang ako..."
I looked at Cion. Mukhang nahihiya siya dahil sakin. Hindi ko matandaan kung nagkausap na ba kami dahil sa tuwing nakikita ko siya ay lagi lang tahimik at walang kausap. A very opposite of Raine. Kaya naman pala nagsipag mag aral bigla ang gago. Kasi top 1 ang boyfriend.
"Congrats...? Kailan pa?"
Napakamot sa batok si Raine. "Almost a year ko siyang niligawan then he finally said yes to me yesterday lang."
"Kaya naman pala grabe ang ngiti mo kanina!" Iyon pala ang dahilan. "Congrats! I'm happy for the both of you, lalo na sayo Cion, kasi natiis mo ang ugali ni Raine. May pagka-narcissist kasi 'yan."
"Evian!" Pinanlakihan ako ng mata ni Raine. Tinawanan ko lang iyon.
Natawa rin si Cion ng mahina. "Thank you... Raine is kind and sweet... siya nga itong palaging tinitiis ang ugali ko."
Natanga naman ako. Kind and sweet? 'Yang gagong 'yan? Imposible! Pero sabagay, nailalabas mo ang hindi mo alam na meron ka palang ugali na ganoon sa lover mo.
BINABASA MO ANG
Secret Serenade
Fiksi UmumTheir relationship is just like any other childhood friends. Nothing more, nothing special. Evian Reyes knows that. Aji Escarez knows that. But when they both crossed that line, everything between them changed as the temptation, desire and the thril...