Evian
"Oh? Why are you here?" Nakataas kong kilay na tanong habang tinitignan ang lalaking nasa harapan ko. He looks annoyed and bored.
"Wala lang," walang sabi-sabi ay pumasok ito sa aking kwarto. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ito. Napairap na lamang ako at isinarado ang pinto.
"Break na ba kayo ng mga babae mo kaya ako naman ang iniistorbo mo?"
Bumalik ako sa aking vanity mirror dahil naudlot ang pagm-make up ko kanina. Dumating kasi itong si Aji na wala man lang pasabi at ngayon, nakahiga siya sa kama ko na para bang pagaari niya iyon.
"I'm just bored," inis nitong saad. "Masama bang makipag-bonding sa childhood friend ko?"
I scoffed. "Childhood friend pala tayo? Ikaw lang ata nakakaalam niyan."
"Tss... I hate that your attitude is still the same as before," he tsked.
Humarap ako sa kanya. "Ikaw din naman, ah. Hindi parin nagbabago ang ugali mo. You're still a control freak, annoying and so fucking toxic. May narinig ka bang reklamo sakin? Wala."
Napaupo sa kama at tinignan ako ng masama.
"That mouth... kaya walang sumiseryoso sayo, e..."
"Ako ang hindi sumiseryoso sa kanila! Huwag ka ngang feeling!" Umirap ako.
Tumawa siya. "Talaga lang, ha?"
Tinignan ko siya ng masama. Bakit ko pa ba pinapasok ang damuhong 'to? Panira lang siya ng araw ko!
Hindi ako sumagot at bumalik sa pagm-make up. Masisira lang beauty ko kapag nakipagtalo at nakipagusap pa ako sa kanya!
"Bakit ka naglalagay ng ganiyan? May lakad ka ba?" Tumayo ito at lumapit sakin.
"Wala,"
"Wala naman pala. Bakit ka pa naglalagay niyan?" Taka nitong tanong.
"Pake mo ba? Make up mo ba 'to? Ikaw ba ang bumili? Shut the fuck up nalang, please."
Sumandal siya sa may table at pinanood ako. He looks amazed and confused at the same time. Aji knew I was gay ever since we were children. Halata naman mula bata palang ako kaya hindi na ako nahirapang mag out. Luckily, my parents aren't homophobic and they are very supportive of me. Hindi rin naman nandiri sakin si Aji or what.
Dapat lang 'no. Ako lang ang nagiisa niyang kaibigang maganda, aangal pa ba siya?
He tsked again. Nilapit niya ang mukha niya sakin. Bahagya akong nagulat at napaatras.
"Kanino ka ba nagpapaganda? Huh? Kay Miguel ba?"
Nilayo ko ang mukha niya. "Nasali naman si Miguel sa usapan?"
"Madalas ang pagsama mo sa kanya..."
"I'm just being friendly. Ano namang paki alam mo roon?" Stay out of my life, Aurelius Jian.
"I just don't want you to pick a wrong guy..." mahinahon nitong sagot.
"Wow. Ang tino ng sagot, ah. Ikaw pa ba 'yan? Baka lagnatin ka sa sinasabi mo?"
He frowned. "Minsan na lang ako maging mabait, Evian. Lubusin mo na..."
"Yeah. Whatever."
Pinagpatuloy ko ang pagm-make up ko. Pinapanood lang naman ako ni Aji. Medyo na-concious naman ako sa titig niya pero the show must go on. Baka nagandahan siya sakin ng bongga at na-inlove. Chaka. Joke lang. Imposibleng mangyari.
Nang matapos ay malawak akong ngumiti sa harap ng salamin. The new product I just bought didn't disappoint. Tinry ko kasi ang bagong product na binili ko para tignan kung maganda dahil naging sikat ito sa online. And me, being a clout chaser, can't miss anything. Hindi pwedeng huli ako sa uso, 'no!
BINABASA MO ANG
Secret Serenade
Ficción GeneralTheir relationship is just like any other childhood friends. Nothing more, nothing special. Evian Reyes knows that. Aji Escarez knows that. But when they both crossed that line, everything between them changed as the temptation, desire and the thril...
