Evian
I was busy fixing my hair when I noticed Aji's reflection in the mirror. He's openly looking at my back. Napataas ako ng kilay pero hindi nalang siya pinansin. After a few minutes, done na ako sa pag fix ng hair ko. Mas nagtatagal talaga ako sa buhok ko kesa sa susuotin kong damit because duh, hair is everything. Kaya I hate it when it's so windy o kaya kapag may gumugulo ng hair ko.
It's so nakakainis.
I turned to Aji who's still busy looking at me. Para lang siyang ewan na nakaupo sa kama at hinihintay ako. Kanina pa siya bihis. He's just wearing a simple outfit. Shirt, boyfriend jeans, and a denim jacket. We have the almost outfit pero I'm wearing a white crop top naman, a white cargo pants and CKJ denim white jacket. Sinuot ko rin ang niregalo niya sakin before na B.Zero1 na Bulgari.
Parang sobrang sama ng loob niya dahil sa expression niya. Ang OA rin ng isang 'to.
Nag mirror shot ako and in all those pictures, I looked so pretty kaso nakakainis lang kasi kita si Aji sa likod. Daig pang watermark. Napanguso ako roon at muli siyang hinarap.
"Picture-an mo ako, please?" Nag puppy eyes pa ako.
"No. Let's go," tumayo siya at iniwan ako.
Napadabog naman ako at kinuha ang bag. Nireplyan ko si Mitch na on the way na ako. Kainis lang kasi dapat sa kanya ako sasabay pero ayaw pumayag ni Aji. Sinabi niya pa kanina na kung gusto kong pumunta ay dapat sa kanya ako sasabay pati pauwi. Oh, 'di ba, sobrang demanding! Nakakainis!
"Aji, wait for me nga!" Nasa may ground floor na kami and he's too fast.
Tumigil ito at humarap sakin. "Bakit ba ang bagal mo?"
"E bakit ba kasi ang bilis mo? You know naman na kasama mo ako tapos ang bilis mo maglakad. You won't die if you wait for me kahit konting oras," I rolled my eyes.
"Fine, whatever. Tara na." Nauna na ulit siyang naglakad pero mabagal na hindi kumpara kanina.
Pumasok siya sa kotse niya habang ako ay nasa labas parin ng pinto. Binaba niya ang bintana at nakakunot ang kanyang noo.
"Get in," he said.
"I can't open the door. May hawak ako," maarte kong sinabi at nginuso ko pa ang hawak kong phone sa kanang kamay at ang bag na nasa kaliwang kamay.
Mas lalong nagsalubong ang kilay niya pero bumaba ito at pinagbuksan ako ng pinto.
"Get in." Malamig niyang sinabi.
"Thanks." Ngumiti ako sa kanya at pumasok na sa loob. I made myself comfortable. "Is this your new car?" Na-realize kong first time ko lang makita ang sasakyan niyang 'to.
"Yeah. Like it?"
"Okay lang." I commented. Wala akong alam sa cars so I don't know. Basta umaandar ay ayos lang.
"Okay lang din 'to i-car fun," lumingon siya sakin at ngumisi. Nagtaas ako ng kilay sa kanya, hindi naintindihan ang kanyang sinabi.
"Car fun? Travel?"
He chuckled. "Never mind."
Nanatiling nakataas ang kilay ko. What does he mean by car fun? Hindi na ako nagtanong at nag selfie nalang. Minsan naman ay sinasali ko si Aji pero daig niya pa ang allergic sa camera kung makaiwas.
Pagdating namin sa bar ay sobrang dami na agad na tao. Mabuti nalang ay malawak ang parking lot kaya nakapagpark agad kami.
Papasok na sana ako sa loob nang hilahin ako ni Aji.
"Where are you going?"
"Sa loob. Mitch is already inside."
Tumango siya. "Samahan muna kita then I'll be on my way."

BINABASA MO ANG
Secret Serenade
Fiksi UmumTheir relationship is just like any other childhood friends. Nothing more, nothing special. Evian Reyes knows that. Aji Escarez knows that. But when they both crossed that line, everything between them changed as the temptation, desire and the thril...