Evian
"Yes, that's it. That's it, Evian! Stay still!"
"Move a little to your left! Nice!"
After awhile, lumapit sakin si Ate Shane. Tinapik niya ang balikat ko at malawak na ngumiti.
"You did well today, Evian," sambit niya.
My heart melted. "Thank you po, Ate."
"Now, let's wrap it up everybody! Double time!" Nagulat ako sa biglaang sigaw ni Ate Shane pero natawa nalang. Kahit maliit siyang tao, napakalakas naman ng boses.
"Evian! May nagpapabigay!"
Napatigil ako sa paglakad at napatingin kay Kuya Ernesto na siyang guard ng building. May hawak itong malaking bouquet. I think it's a hundred rose bouquet kasi I saw something similar online. Namangha ako pati narin ang nakakakita. 'Yung iba ay napa-sanaol pa dahil sa nakita.
"Sino raw po?" Tanong ko pagkatapos tanggapin ang bulaklak.
"Hindi ko alam, e. Delivery rider lang din ang nagdala niyan." si Kuya Ernesto na may kung anong ngiti sa kanyang labi. Nangaasar!
"Pang ilan mo na 'yan, Evian, ah?" asar ni Ate Gwen na make-up artist ko. Pabiro niya akong siniko at tinudyo naman ako ng ilang kakilala.
"Ibang klase ang admirer ni Evian. Araw araw may pa-bouquet! Sosyal!" Dagdag ni Ate Shane na akala ko ay nakaalis na.
Tinawanan ko nalang ang pangaasar nila.
Pagkatapos makaalis sa mga asar nila at nagpicture kasama ang team, nag punta na ako sa dressing room para makapagbihis. Hindi naman kasi akin ang damit na ito at ginamit lang para sa promotional advertisement na nai-shoot ngayon.
Napalingon ako sa bouquet. I took a picture with it at tinignan kung may nag message ba. Napanguso ako when I saw nothing. Ibinaba ko na ulit ang phone ko at pinagpatuloy ang pagbibihis.
Nagpaalam ako sa mga natirang staff at bumaba na siya sa may parking lot dahil nandoon na si Kuya Rey, ang aking driver.
"Good evening po, sir Evian." Bati ni Kuya Rey na sinuklian ko lang ng ngiti. Pagod kasi ako ngayon kaya gusto ko nalang umuwi at magpahinga.
I'm already in 12th grade and I'm a part-time model now. Part-time lang kasi medyo hesitant pa si Daddy tungkol sa pagm-model ko. Parang ayaw niya na hindi habang si Mommy ay full support sa akin. She helped me find a perfect entertainment company para sa modelling ko. I was beyond overjoyed when I found out that I passed. Syempre, kahit na kaya akong ipasok because of the connections of my parents, gusto ko paring dumaan sa normal na proseso, just like everyone else.
They even offered me na mag full time na dahil they saw a lot of potential in me. I badly wanted to sign the contract kaso inaalala ko parin si Daddy.
Kahit na sobrang napapagod ay sobrang worth it naman. Malayo kasi ang company from my school. Siguro ay 30 minutes ang biyahe o minsan isang oras pa dahil sa traffic. At kapag uuwi naman ako sa bahay ay mga 1 hour and 30 minutes. Wala pa roon ang traffic. Kung pwede lang lumipad ay matagal ko ng ginawa para hindi hassle.
Minassage ko ng kaunti ang aking balikat. Nakauwi na ako sa bahay at patay na lahat ng ilaw. I figured. Malapit narin kasi maghating gabi kaya I'm sure na tulog na ang everyone.
After doing my routine, humiga na ako sa kama.
Ipipikit ko na sana ang mata ko nang may tumawag sakin. Hindi ko na tinignan ang caller at sinagot nalang iyon. I closed my eyes.
"Hello..." I said in my drowsy voice.
"Going to sleep?" Bahagyang minulat ko ang aking mata when I recognized his voice. Tinignan ko ang caller at nakitang si Aji nga.

BINABASA MO ANG
Secret Serenade
Genel KurguTheir relationship is just like any other childhood friends. Nothing more, nothing special. Evian Reyes knows that. Aji Escarez knows that. But when they both crossed that line, everything between them changed as the temptation, desire and the thril...