Evian
"Psst. Sino 'yon?"
"Ay palakang bakla!"
Napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat. Napairap ako nang makitang si Mitch lang pala. Bigla-bigla ba naman kasing sumusulpot sa likod ko, daig pang multo!
"Grabe siya oh," kunwari ay na-offend siya sa sinabi ko.
"She's no one," I flipped my imaginary long hair.
"Pero hinalikan ka sa pisngi. Ano? Babae na ba gusto mo? Paano na si friend mo?"
"Yuck! Mandiri ka nga sa sinasabi mo!" Umakto ako na parang nasusuka. "Never! I told you, that girl is no one! Isa lang siya sa mga admirer ni Aji!"
"Ah. Kaya pala wala ka na naman sa mood," ngumisi siya. "Kasi may gusto sa friend mo."
"I don't care if may gusto siya kay Aji, okay? I just don't like how she approached me! Feeling close! Ugh!" Nilabas ko ang salamin ko para tignan ang face ko. Feeling ko sobrang haggard ko na kahit kakarating ko lang sa school. Argh, I think I need to retouch my make up.
"Sus, selos lang 'yan."
Masama ko siyang tinignan. "Excuse me?"
"You're excused," mas lalong tumalim ang tingin ko pero tinawanan niya lang ako. "Kalma lang po!"
Inis akong lumayo sa kanya at pumunta na sa room. Inis na nga ako kay Isabella tapos dadagdag pa 'tong si Mitch. Argh! This day is already a disaster! I just want to go home and watch a movie in Netflix!
Dalawa na nga nagpapainis sakin ngayong araw, dumagdag pa 'tong professor kong panot na nga, matanda pa. Nagpa-surprise quiz na naman siya and I'm not ready for that! Nakakainis! And 'yung pina-quiz niya pa ay hindi pa niya natuturo and wala pang sinisend na module about it! Damn old man! Argh, I hate everyone na!
It's lunch time and wala parin ako sa mood. Nakita ko ang text ni Aji at tinatanong niya kung nasaan ako. I just sent a middle finger emoji. Bahala siya!
Argh! I hate it na parang nagiging kagaya ko si Aji na kapag galit siya ay damay ang lahat pero this day is really irritating. Nakakainis lahat ng people!
"Huy, tinatanong ka sakin ni Aji," Mitch poked my arm at parang takot na hawakan ako.
"Told him to fuck off," iritado kong sinabi.
"Too late. On the way na siya rito." She gave me a peace sign. Napairap nalang ako at hinayaan nalang siya. Pinaupo niya ako sa bench para hintayin daw si Aji. Wala akong nagawa at naupo nalang para pakalmahin ang sarili.
Dumating narin si Aji pagkatapos ng ilang minuto. May dala siyang payong at parang nagmadaling pumunta rito.
"Evian," he called me. "What's with the emoji?"
Hindi ko siya pinansin at kinuha ang payong na hawak niya. Seeing his face, mas lalo akong naiinis!
"What's with him?" Tanong ni Aji kay Mitch.
"May period ata..." nagkibit balikat si Mitch.
"Huh?" I can see Aji's confusion.
"Tara na!" Mataray kong sinabi.
Tumabi sakin si Aji at kinuha ulit ang payong na hawak ko at siya ang nag hawak. Tinignan ko siya ng masama pero hindi niya iyon pinansin.
"Where do you want to eat?" He asked.
"Ay, Evian!" Humabol samin si Mitch. "Hindi pala ako makakasabay. Sorry. Sasabay ako kina Cade. O gusto mo samin ka sumabay kumain?" Nangaasar ang tingin nito at alam kong napansin iyon ni Aji.
BINABASA MO ANG
Secret Serenade
General FictionTheir relationship is just like any other childhood friends. Nothing more, nothing special. Evian Reyes knows that. Aji Escarez knows that. But when they both crossed that line, everything between them changed as the temptation, desire and the thril...