Evian
Tumigil kami sa isang eskinita. Pinarada niya lang saglit ang big bike niya bago kami pumunta sa isang karinderya. Familiar naman ako sa ganitong lugar dahil may mga nagtitinda rin ng mga gamit sa may school namin dati. Though, hindi ko pa nararanasan na kumain sa ganitong kainan.
Aji walked inside and greeted the people there, na para bang matagal na niyang kilala. Nag mano siya sa isang nasa mid 60's na babar na nakasuot ng apron, may towel sa balikat, at may ballpen sa may tenga.
"Kamusta bakasyon?" Tanong nung babae.
"Ayos lang po..." Aji looked at me. Napatingin din sakin 'yung babae kaya ngumiti ako. "Si Evian nga po pala. Evian, si Nanay Lucy. She's the owner of this place."
"Nice to meet you po!" Hindi ko alam kung makikipag-shake hands ba ako o magmamano tulad ng ginawa ni Aji. Sa huli ay nagmano ako.
"Hello, hijo. Aba, napakagwapong bata. Ito ba 'yung tinutukoy mo, Jian?"
Jian? Gusto kong matawa. Ayaw niya kasing tinatawag sa real name niya. Ewan ko ba sa lalaking 'yan, may kaartehan ding taglay.
"Secret po." Sagot ni Aji. Natawa si Nanay Lucy at kinurot niya si Aji sa may tiyan.
"Pumili na kayo ng ulam niyo. Jian, gabayan mo itong si Evian at may pupuntahan lang ako saglit diyan." Ngumiti sakin si Nanay Lucy at umalis na siya.
Nagpunta kami sa may table kung saan nakalagay ang mga ulam. Iba't ibang putahe pero 'yung iba ay parang isang scoop nalang.
"Anong sayo?" Tanong ni Aji.
"I want bistek."
Tumango siya. "Umupo ka na. Ako na magdadala."
Naupo ako sa bakanteng table. Tinignan ko ang buong lugar. Simpleng kainan lang siya at nasa apat na table lang ang available.
Dumating narin siya after a few minutes. May dalang kanin, 'yung ulam at meron pang sabaw na hindi ko alan kung ano. I tried tasting it and okay lang naman siya. Lasang sinigang.
"What's that?" I asked about his ulam.
"Tokwa sisig."
"Tokwa? Is it masarap?"
"Try mo."
Tinry ko iyon at nasarapan naman agad ako. Medyo mahilig din kasi ako sa spicy food.
"Madalas ka ba rito?" I asked.
"Yeah. Malapit lang 'to sa University. Dito kami madalas kumakain nina Felix kapag lunch kaya close na kami ni Nanay." Kwento niya.
Tumango-tango ako.
"Mahirap ba sa college?" I asked out of nowhere. Bukas kasi ay aayusin ko na lahat ng requirements na kailangan ng University para makapag enroll na ako. Isang linggo nalang at parang hindi parin ako makapaniwala na college student na ako next week.
"Okay lang," nagkibit balikat siya. "You're good in academics so you'll do well. I know you will."
"Paano kung hindi? College is so different from high school. Baka ma-culture shock ako at bumagsak bigla," kinakabahan kong sinabi.
"Sa una lang 'yon. Masasanay ka rin."
"How was your first day? When you were in first year?"
"I don't remember. Ang alam ko lang ay pumasok ako na pogi at lumabas ako na pogi parin. That's all."
"Yabang! Mandiri ka nga!" Natawa siya habang ako naman ay napairap. So yabang!
"You'll do well." Ulit niya.
BINABASA MO ANG
Secret Serenade
Ficción GeneralTheir relationship is just like any other childhood friends. Nothing more, nothing special. Evian Reyes knows that. Aji Escarez knows that. But when they both crossed that line, everything between them changed as the temptation, desire and the thril...
