Evian
Aji and I are childhood friends... or more like, enemies. Nagkakilala kami because our parents are good friends. 7 years old ako noong nakilala ko siya habang siya naman ay 10 years old. Since only child ako, gusto nila Mommy na kahit papaano ay may kalaro ako.
Pero imbes na kalaro ay naging kaaway ko pa. Magaling mangasar si Aji kahit noong bata palang kami and I would often cry because of him. Of course, napapagalitan si Aji pero that doesn't stop him from teasing me. May mga oras din naman na caring siya sa akin but most of the time, he will just tease me.
Nakakainis lang nga dahil nasa iisang school lang kami. Grade 8 na ako while siya naman ay Grade 11 na. Kainis lang kasi parang updated lagi siya sa kung anong nangyayari sa buhay ko kahit hindi naman ako nagk-kwento sa kanya. Minsan nga ay iniisip ko na baka nag plant siya ng spy but that would be ridiculous.
Ilang taon nalang naman ang titiisin ko dahil malapit na siya mag college. Luckily, walang college ang school namin kaya lilipat siya.
I looked at Aji. Nagkaroon ng timeout at lahat ng players ay nakikinig sa coach. Pawisan si Aji at nakataas ang jersey nito, revealing his little abs. He have a great built for his age. Siguro dahil sanay sa gym.
He's handsome, alright. His messy hair is just... majestic. Ayoko mang aminin pero gwapo talaga siya. Ever since. I think I had a little crush on him noong una naming pagkikita pero that vanished quickly when he made me cry. Ang galing kasi mangasar ng damuho.
Minsan naring pumasok sa isip ko na baka ma-inlove ako sa kanya or whatnot. Ganoon kasi ang madalas na nasa mga libro at palabas. But like, ew. He's straight as a ruler. And it's impossible for him to like me, 'no. I just know and feel it. Sa way palang ng pangaasar niya, it immediately gave me a sign.
Nahuli ko rin siya once na may kahalikang babae when he was in 10th grade.
Nang magsimula ulit ang game, nagsisigawan na ulit sila. Nabibingi na nga ako sa sigaw ng babaeng nasa likod ko. Worse pa is she keeps on screaming Aji's name.
When he got a score, nakipag-apir siya sa team niya at tumingin sakin. Akala ata ng mga babaeng nasa likod ko ay sila ang tinitignan kaya malakas ulit silang sumigaw.
Bingi na ata ako paglabas ng gym.
Natapos ang laro and obviously, Aji's team won kaya todo sigaw ang mga nasuporta sa kanila. Marami agad ang nagpunta sa may court para makausap sila. Marami rin sa kanila ang may hawak ng mga towels, water at kung ano ano pa.
Nakita ko namang umalis si Aji roon at lumapit sakin.
"Water," nguso nito.
I rolled my eyes. Binigay ko naman sa kanya ang tumbler niya. Sakin niya binigay kanina dahil baka raw mainom ng teammates niya. Inabot ko narin ang towel sa kanya.
"Hanga ka ba sa mga shoots ko?" Mayabang nitong tanong.
"Ha? Nabingi na ata ako sa mga sigaw ng mga babae mo."
Tumawa ito. "Sorry. Pagsabihan ko next time." And he's babaero too, kaya no way. Lowkey babaero siya, unlike Raine na open na ata ang pagiging player.
"This will be the last time na manonood ako ng game mo, ah?"
"Bakit? Dahil iba na ang papanoorin mo?"
"Anong iba? You know I hate crowds, 'di ba?"
He smirked. "Next time, sa may bench ka na uupo."
I can't believe this guy. Kakasabi ko lang na huli ko na itong panonood ng laro niya, e. Ang tigas talaga ng ulo niya. Ang kapal din ng face. Oh, 'di ba, what a beautiful combination.
BINABASA MO ANG
Secret Serenade
Ficção GeralTheir relationship is just like any other childhood friends. Nothing more, nothing special. Evian Reyes knows that. Aji Escarez knows that. But when they both crossed that line, everything between them changed as the temptation, desire and the thril...
