Chapter 32

1.6K 55 5
                                    

Evian

Malapit na mag 11 ng gabi nung nakarating kami. Mabuti na nga lang ay may dalang jacket si Aji kundi nangisay na ako sa lamig. I touched my face. Sobrang lamig ng face ko. Napalingon sakin si Aji atsaka inalis ang helmet na suot.

"Are you still cold?" Hinawakan niya ang pisngi ko. Ngumuso ako't maliit na tumango. "Maiinitan ka rin mamaya, don't worry..."

Hinampas ko siya sa braso pero nginisian niya lang ako. Inikutan ko lang siya ng mata at pumasok na kami sa loob.

Dahil gabi na, hindi ko masiyadong makita ang view. Cabin style pala rito pero meron ding iba na camping tent talaga ang gamit. Ang cute rin ng mga pailaw dito. Hindi masyadong masakit sa mata.

"Mag cabin nalang tayo," si Aji. "It's too cold right now. You might get sick," dagdag niya.

Pumayag nalang ako kasi sobrang lamig talaga ng panahon ngayon.

"Good evening, sirs!" Bati nung babaeng nasa reception. Binati niya kami pero kay Aji lang siya nakatingin. Napasimangot ako pero hindi nalang nagsalita. Silang dalawa ang nag usap habang ako ay tinitignan ko ang buong place.

"Let's go..." hinawakan ni Aji ang braso ko. Nakasunod lang kami sa babae kanina para ituro ang cabin kung saan kami mag stay for tonight.

"Eto po, sir..." tumigil kami sa isang maliit na cabin. Ang cute ng size niya kasi maliit lang kung titignan sa labas pero ang spacious sa loob. Malinis din at sobrang cozy. Ang ganda ng ambiance rito, sobrang relaxing.

"Thank you..." sabi ni Aji. Mukhang kinilig pa si ate girl dahil namula ang mukha.

"E-Enjoy the night po!" At nagmadaling umalis ang babae, namumula parin ang mukha.

I looked at Aji. Parang wala siyang alam sa nangyari. Napairap ako sa kawalan. Binaba niya ang helmet at nag tanggal ng jacket. Napansin kong hindi na siya naka-polo kundi white shirt nalang na medyo fit pa sa kanya.

Napaupo ako sa kama. Napatingin ulit ako sa place. Pang two person lang ang cabin na ito dahil iisa lang ang kama. May maliit na kitchen, banyo tapos may sliding door pa kung saan kitang kita ang view. Lumabas ako roon at malamig na hangin agad ang bumungad sakin. Kitang kita rito ang iba pang cabin at pansin kong may swimming pool din sa may ibabang part. May balon din. Marami ring puno ang makikita.

Maya maya ay naramdaman ko ang presensya ni Aji sa aking likod. Humawak siya sa may railing at pinatakan ng isang halik ang ulo ko.

"Let's sleep, baby..." he whispered.

Tumango ako sa kanya at sumunod na papunta sa loob. Sinarado niya ang sliding door at ini-slide niya narin ang curtains. Naupo ulit ako sa kama at tinanggal ang aking sapatos pati narin ang jacket. Napahikab ako.

"I want to brush my teeth," inaantok kong sabi kay Aji.

"Come here..." may nilabas siyang bagong toothbrush at toothpaste sa isang plastic at sinamahan niya ako sa loob ng banyo. Siya narin ang naglagay ng toothpaste sa toothbrush at binigay sakin. Pagkatapos ay lumabas siya.

Nagtoothbrush na ako at naghilamos at pagkatapos ay lumabas na ako.

"I don't have my skincare with me, Aji," parang naiiyak kong sinabi. "I can't sleep without them!" Kahit inaantok na ako, hindi ko pa kayang matulog dahil hindi pa ako nakakapag-apply ng skincare ko.

"Hindi ba pwedeng halik ko nalang?" Nangaasar niyang tanong.

"What? Ayoko nga! Laway mo 'yun, e!"

Natawa siya. "Too harsh, baby. But don't worry, I already bought your essentials." At may binigay siya sakin na paper bag na punong puno ng skincare products. It's newly bought. All of them. Karamihan din ay 'yung mga madalas kong gamitin.

Secret SerenadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon