Chapter 18

1.6K 53 9
                                    

Evian

Sobrang lutang ako habang nasa klase. Mabuti na nga lang ay hindi pa nagsisimulang magturo ang mga instructors at nago-orient lang o kaya pinapagawa 'yung walang sawang pag introduce yourself. Ang alam ko rin kasi ay isang linggong walang klase dahil may mga pa-welcoming rites pa bawat program for first years. I'm excited na nga!

"Bakit pala ang aga mo umuwi kagabi? Hindi ka man lang nagpaalam sakin!" Si Mitch na parang nagtatampo pa. Nasa cafeteria kami ngayon dahil tinatamad kami pareho lumabas ng campus. Ang init kasi masyado.

"Girl, umuwi agad ako dahil nasira ang gabi ko. I forgot his name pero grr, nakakainis siya ng sobra. He tried to flirt with me and he even squeezed my butt!" Pagk-kwento ko. "Pero it's okay. Tinuhod ko lang naman ang gitna niya."

Nagulat siya. "Talaga?! Kaya pala nagkagulo, hindi ko alam! Dapat tinawag mo ako para binasag ko ulit ang itlog niya! Dasurb!"

"Okay na... I already told Aji about it at siya na raw ang bahala."

Binigyan niya ako ng makahulugang tingin. Hinampas ko lang ang braso niya at tinawanan siya.

"Ikaw, ha. Pero anyways, tinatanong ka sakin ni Cade. Anong mga pinagusapan niyo kagabi, ha? Para kayong may sariling world last night!" Kinurot niya ang braso ko.

"Wala, mga random stuff lang!"

"Asus! Kung hindi naman pala kayo nung friend mo edi go ka na kay Cade. Girl, matalino 'yon tapos mayaman. Bagay kayong dalawa!"

Tinawanan ko lang iyon. Ewan ko ba pero wala pa sa isip ko ang pumasok sa isang relationship. Sure, naiinggit ako sa mga taken lalo na kapag nakikita ko sina Cion at Raine pero kapag naman may nirereto o kaya may nagf-first move na sakin ay hindi ko magawang ibalik sa kanila 'yung ginagawa nila. Hindi ko alam. Siguro I just love the idea of being in a romantic relationship pero deep inside, hindi parin ako ready. Hindi ko parin kayang mag commit.

Atsaka duh, feeling ko rin ay hindi sila worth it. Sa ganda kong 'to?

Biglang sumagi sa isip ko si Aji. Our relationship is... I can't define it. Siguro childhood friends parin pero with benefits na this time? I don't know. Maybe. When we first did it, hindi ako makapaniwala at parang naisip ko pa na never na ulit mangyayari iyon because I think it was just a drunken mistake pero he just kept doing whatever he wants. And me, on other hand, just letting him. I don't know why. Hindi ko ma-explain and I don't think I can explain it.

It's just... complicated.

My phone rang. Aji's calling.

Binigyan ako ni Mitch ng side eye nang makia kung sino ang caller. Napailing nalang ako sa kanya at sinagot ang tawag.

"Where are you?" Bungad niya.

"Cafeteria. Bakit?"

"Kumakain kana?"

"No pa. Nagd-decide pa kami kung anong kakainin namin." Indecisive kasi kami pareho ni Mitch kaya kahit 15 minutes na kaming nandito, hindi parin kami makapili ng bibilhin namin.

"Huwag na. Sa labas na tayo kumain. I'm with Felix and Rexi, though, is that okay?" Rinig ko ang boses ni Felix sa background na nag hello.

"Okay lang. Isasama ko rin si Mitch."

"Alright. Let's just meet in the parking lot near the gate."

"But ang init!" Reklamo ko.

"What do you want me to do? Ilipad ang sasakyan diyan?" Puno ng sarkasmo ang kanyang boses.

"Sure. Paki-bilisan, please." Pangaasar ko.

"Tss... wait for me there." At binaba na ang tawag.

Wait, susunduin niya ba talaga kami rito sa cafeteria?

Secret SerenadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon