Chapter 3

2.1K 67 19
                                    

Evian

I just wore a white crop top and boyfriend jeans. Simple lang kasi wala lang. Humarap ako sa salamin para maglagay ng light make up. Inayos ko narin ang aking buhok. I smiled when I'm all done.

Pak! Ganda!

Nag mirror selfie muna ako para may mai-post akong bago. Nakakahiya naman sa mga followers ko, ilang linggo narin akong hindi nakakapag post.

Nakatanggap ako ng text kay Miguel na nasa labas na raw siya kaya tumingin ako sa salamin one last time bago lumabas. Wala pa sina Mommy kaya kay Manang nalang ako nagpaalam.

Paglabas ko ay nakita ko si Miguel sa labas ng sasakyan nila. Agad itong ngumiti nang makita ako. Grr, he looks so handsome! Simple lang din naman ang suot niya pero hindi ko ikakaila na malakas ang appeal ng lalaking ito. Konting konti nalang talaga ay bibigyan ko na siya ng chance. Malay natin, 'di ba?

"Inlove ka na ba sakin?" Nangaasar nitong tanong.

"Che!" Natawa siya.

"You look so pretty, Evian," he smiled genuinely. Aww!

"Thank you, Miguel. You look handsome naman today," I complimented him. Minsan lang ito kaya tanggapin niya na. Napangiti naman ako nang makitang namula ang buo nitong mukha.

"T-Thanks. Pasok ka na." Pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok na kaming dalawa.

Kasama namin ang family driver niya. Obviously. Minor pa naman kami at masyado pang bata para mag drive. Sanay ako na lagi akong hinahatid sundo kaya never pa akong nakakasakay sa public vehicle. Hindi naman sa ayaw ko pero parang ganoon na nga. Ayoko makipagsiksikan sa mga tao, ano. Mas ayos na sakin ma-stuck sa traffic na may aircon kesa sa siksikan na sasakyan tapos ang init init pa.

"Do you want to eat first?" Tanong ni Miguel.

Saktong 11 na kami nakarating sa mall at dahil weekend, maraming tao. Hindi pa naman ako masyadong gutom kaya umiling ako.

"I want to watch a movie. May bagong labas, 'di ba? Iyong horror." Suhestiyon ko.

He smiled. "I knew you'd say that kaya I bought in advance sa online."

Pinakita niya sakin ang ticket ng movie. Iyong horror movie na tinutukoy ko. Malawak akong ngumiti.

"How did you know?"

"Isang taon na kitang gusto, Evian. Alam ko na ang mga gusto at hindi mo mga gusto..." he chuckled.

Na-touch naman ako sa sinabi niya. Ramdam na ramdam ko talagang genuine ang feelings niya for me. Hindi katulad ng mga lalaking umamin sakin na pinagsalitaan din ako ng masama after ko i-reject. Those good for nothing boys. Hays. May mga itsura nga pero 'yung personality? Sobrang trash.

'Yung iba pa ay ginagamit ako para makapag explore sila sa mga bagay bagay. Bata palang kami pero grabe na ka-wild ang utak nila. Siguro dahil may lawit din ako tulad nila at hindi mabubuntis kaya ganoon. Fuck them. Akala ata nila saming mga bakla ay madaling utuin. Easy to get. Pwes, hindi kami ganoon. Lalong lalo na ako.

I am Evian Reyes.

Baka putulin ko pa ang mga ari nila, mga bwisit sila.

Nanood kami ng movie. Medyo nakakatakot ang movie pero overall ay maganda ito. Maraming jumpscares at talagang magugulat ka. Sobrang unexpected din ang plot twist.

"Did you like the movie?"

Lumingon ako sa kanya. "Super! Let's eat na. Nagugutom na ako."

Sa isang japanese restaurant kami kumain. Nagc-crave kasi ako sa ramen kaya sinuggest ko ito. Hindi naman umalma si Miguel at sumunod lang sakin.

Secret SerenadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon