Unedited...
"Nanay! Bili tayo ng ice cream!" masiglang sabi ni Kaitlyn saka patakbong lumapit sa sorbetero na napadaan.
"Dahan-dahan lang!" sigaw ni Kate at patakbong sinundan ang anak. "Uy, baka madapa ka!"
Tumigil ang anak saka humarap sa kanya at ngumuso.
"Nanay, gusto ko po talaga ng ice cream," nakangusong sabi nito kaya napangiti si Kate. Paano siya magalit sa batang ito eh ang cute cute. Lahat ng tao ay napapalingon sa anak na para bang isa itong artista. Ang ganda pa ng porma nito kahit na mumurahin lang ang suot na damit. Kahit ata basahan ang ipasuot niya, magmukha pa rin itong barbie dahil sobrang kinis ng balat.
"Ice cream, please. Nanay." pakiusap nito habang nakatingala sa kanya.
"Sure. Bibili na tayo," pagpayag nya kaya muling tumakbo ang anak. "Kuya, pabili po. Sampung piso sa cup lang po."
Kumuha siya ng barya at inabot sa nagtitinda.
"Ang ganda-ganda naman ng anak mo, Ma'am. Artista ba siya?" tanong nito.
"Salamat po, kuya. Hindi po," sagot ni Kate. Maganda naman siya kaya nagmana lang sa kanya ang anak. Magkaiba nga lang sila ng kulay pero sa buhok, sa kanya nagmana.
"Thank you po, kuya," pasalamat ni Kaitlyn nang iabot sa kanya ang ice cream ng sorbetero.
Alas kwatro na ng hapon kaya hindi na ganoon kainit. Naisipan niyang ipasyal ang anak sa Festive walk kaya naglakad silang dalawa dahil malapit lang naman dito ang condo nilang libre na ng company.
Habang naglalakad, panay ang kain ng anak ng ice cream.
"Tingin ka sa daan, baka madapa ka ha," bilin niya habang sinusundan ito. Day off niya ngayon dahil weekend at ito na rin ang bonding nilang mag-ina. Ilang taon na rin siyang nawala kaya gusto niyang makabawi sa anak.
"Itapon mo sa basurahan ang cup ah," utos niya sa anak kaya itinapon nito sa basurahan. Naglakad-lakad sila sa Festive walk.
"Uy, kuhaan kita ng pic dito babygirl," sabi niya sa anak nang makarating sa street na kung saan may iba't ibang kulay ng parang parol na nakasabit.
Kinuha niya ang cellphone sa bulsa saka humarap sa anak pero natigilan siya nang makita ang anak na nakatingala sa lalaking nakabunggo pero agad na napatalikod siya."Hey, kiddo. Nabunggo mo ako," sabi ng binata. "Where's your mom?"
"There," sagot ni Kaitlyn sabay turo sa ina.
"Kate?" tawag ni Niel kaya napailitan siyang humarap.
"Come here, baby," tawag niya kaya agad na napatakbo ang anak palapit sa kanya. "I'm sorry kung nabunggo ka niya. Malikot kasi siya at excited na makuhaan ng litrato."
"It's okay," sabi ni Niel na napatitig kay Kaitlyn.
"K-Kate..."
"May lakad pupuntahan pa kami. Sige, ingat ka, sir," paalam niya pero agad na nahabol ni Niel at nahawakan sa kanang kamay.
BINABASA MO ANG
4. The CEO's secret
General FictionHindi madaling magpalaki ng anak bilang single mom. Nandiyan ang financial, emotional and physical stress. Dagdagan pa ng mga marites sa paligid na walang magawa kundi ang bantayan ang buhay niya. Hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa pagdad...