15

13.3K 404 21
                                    






Unedited...




"Uy, si Tito!" masayang sabi ni Tasha habang karga ang anak. "Say to hello to tito, pengeng pera."

"Hello, babygirl," bati ni Ace na may dalang laruan sa pamangkin.

"Ang bata pa niya para maglaro niyang dala mo," sabi ni Tasha.

"Para 'to kay Kaitlyn," sabi ni Ace.

"Oh, oo nga pala, may anak ka na," biro ni Tasha pero napansin na nagseryoso ang mukha ng kapatid kaya alam niyang masama ang hanging nalalanghap nito. Malapit nang mag-transform sa pagka-tigre e.

"Ate, bakit hindi mo sa akin sinabi na alam mo na pala ang tungkol sa amin ni Kate?" sumbat ni Ace. Kakauwi lang ng assistant niya galing ng honeymoon at inamin nga nito sa kanya na alam na ni Tasha na kasado na siya.

"Hindi ka naman nagtanong."

"Ate naman!"

"Sorry na. Wag ka nang mahiya, okay lang naman sa akin e." Actually, natuwa pa nga siya nang malamang si Kate ang pinakasalan nito. Loyal nga si Marco kay Ace pero takot ito sa kanya kaya umamin nang magtanong siya. Nagtaka lang siya dahil nang tumawag siya ay hindi sinasagot ng kapatid kaya pinagalitan niya si Marcos. Sa takot ay umamin ito na ikinakasal si Ace kaya hindi nito sinasagot ang tawag. Hinayaan niya ang dalawa dahil nga sa naaawa siya sa sitwasyon ni Manong Ambo. Kahit na hindi man nagsasalita, alam niyang stressed ito dahil maagang nabuntis ang anak at hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Napakabait kasi talaga ng ama ni Kate.

"Ang lakas mo ring mang-asar, ano? Kaya pala sa condo mo na pinatuloy si Kate dahil alam mo na pala na kasal na kami."

"Syempre. Dapat tulungan ko rin ang sister-in-law ko eh," agad na depensa ni Tasha. Nang malaman niyang umuwi ng Pinas si Kate at dito na nga ang balak na manirahan sa Iloilo, agad niyang inalok ng pagiging secretary kay Ace para magkita pa rin ang dalawa. Sa pinag-aralan nito, hanggang personal secretary lang ang kaya niyang ma-i-offer. At least si Ace ang boss nito.

"Alam ba nina Mommy?"

"Hindi ah. Marunong ako magtago ng sikreto," sagot ni Tasha.

"Pero kung ako sa 'yo, ipaalam mo na bago ka pa mahanapan ni Lola Kristina ng mapangasawa. Trust me, Ace. Ipapakasal ka talaga niya sa ibang babae, sige ka."

"Haist! Masyado pang maaga. Bigyan mo nga kami ng time. Isa pa, inaayos pa ni Kate ang tungkol kina Niel at Kaitlyn e. Nasa iisang company pa naman kaming apat. Mukhang ginagamit niya ang anak nila para makuha si Kate."

"Really? Keribels lang. Kasal naman na kayo kaya wala na siyang magawa pa."

"Ewan. Bahala na," sabi ni Ethan kaya napangiti si Kate.

"Ngayon ka lang yata nawalan ng plano ah. Inlove na ba?" tukso niya.

"Ayaw kong pag-usapan. Gusto lang kitang bisitahin, okay?"

"Fine. Actually, buhay mo 'yan kaya wala akong karapatang manghimasok sa personal decision ninyo. Basta ako tumulong lang na magmalapit kayo or para bigyan ninyo ng chance ang kasal ninyo," honest na sagot niya. Kung ano man ang desisyon at pinaggagawa ni Ace, nirerespeto niya at hindi siya nanghimasok dahil sobra-sobra na ang pagsakripisyo nito para sa pamilya pero kagaya ng lola niya, gusto rin niyang magkaroon ng lovelife si Ace. Syempre sayang din ang kagwapuhan nito.

"Thank, Ate. Hayaan mo, hihingi ako ng tulong kung sakaling kailanganin ko. As of now, kaya ko pa naman."

"Sure. Ate is always here for you ha. Maliban sa company dahil ipapasa kita kay Ethan. Gosh, hindi ko kayang mag-handle ng problema kapag kompanya ang pag-usapan. I'm sorry pero pass talaga ako riyan." Honest na sagot niya. Kahit na single mother si Kate, gusto pa rin niya ito para sa kapatid. Hindi naman nito kasalanan na nagmahal at nagtiwala pero sa kabila ng lahat ay niloko pa siya.

4. The CEO's secretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon