Unedited...
"Kailan niya ibabalik si Kaitlyn?" tanong ni Ace dahil wala ang bata at hiniram daw ng mga Lopez para ipasyal.
"Mamaya isauli rin nila," sagot ni Kate na nakatingin sa asawa na binubuksan ang unit nito.
"Do you think magugustuhan ito ng baby natin?" tanong ni Ace nang pumasok sila sa unit niya.
"Wow! Ang ganda!" manghang sabi niya sa nakikitang golden gown para kay Kaitlyn. "My mom did it."
"Really?"
"Yes. Three days lang. Mabuti at kompleto kami sa materyales at nagawa nila agad," sabi ni Ace. Diniliver pa ito ng chopper kanina sa helipad ng Viktor's company para maihabol.
"Paano ba kita pasalamatan?" naluluhang tanong ni Kate. Mula nang makilala niya ang asawa, ito na ang tigapangtanggol niya. "Ang dami mo nang naitulong sa akin."
"Just be who you are," sagot ni Ace at niyakap ang asawa mula sa likuran. "Wag ka lang makipagbalikan sa ex mo, masaya na ako."
"B—Bakit ayaw mo?" naiilang na tanong niya nang hawiin ni Ace ang buhok niya at hinalikan ang batok niya. It was a soft kiss na mabilis lang nito ginawa.
"Kasi masakit," pag-amin ni Ace. "Naiisip ko pa lang na iwan ninyo ako ni Kaitlyn, nasasaktan na ako."
"A—Ace," usal niya. Speechless siya.
"You're my wife, Kate. Akin ka na kaya sana wala nang bawian at balikan kayo ni Niel dahil pinakawalan ka na niya," tapat na sabi nya kaya inalis ni Kate ang mga kamay nito sa bewang niya at lumayo saka hinarap para makita niya ang mukha nito.
"N—Naguguluhan ako sa 'yo."
"You're my wife, Kate."
"I know pero—yung mga sinasabi mo, bago sa akin."
"I know I sound weird but I want to keep you both, Kate. Ang selfish ko man pero—" iniwas niya ang tingin. Bakit ba kasi ngayon lang siya kinabahan ng ganito. "ayaw ko kayong ibalik kay Niel. I get jealous kapag mag-usap kayo. Oo, alam ko na tungkol sa anak ninyo iyon pero for pete's sake, mahal ka pa niya. He's doing everything para makuha ka ulit at natatakot ako. Ano ang laban ko eh may anak kayo."
Napakagat si Kate ng ibabang labi. Ganito ka protective si Niel noon na ni walang ibang lalaki na makalapit sa kanya.
"I'm sorry kung medyo nagulo ko ang utak mo. I'll give you time. Gusto ko lang na totohanin na natin ang kasal natin. Paninindigan ko si Kaitlyn. Magiging mabuting ama ako para sa kanya, 'wag lang ninyo akong iwan," paumanhin niya.
"G—Gusto mo ba ako?" Ang kapal man ng mukha niya pero kailangan niyang itanong ito para wala siyang pagsisisihan.
"More than that," sagot ni Ace. "I t—think I've fallen in love with you."
"You think?"
"Damn, Kate! How will I know?" desperadong tanong niya. "Never pa ako nagkaroon ng kasintahan. Never in my whole life na nag-confess sa isang babae dahil ngayon ko lang naman naramdaman ang ganito. Please validate my feelings."
"Okay," wika ni Kate at ngumiti sa asawa. "Don't worry, kahit na ano man ang mangyari, hindi na ako makipagbalikan pa sa kanya."
"R—Really?"
"Yep!" ani Kate.
"Oh, ghad!" masayang sabi ni Ace saka niyakap ang asawa at hinalikan sa gilid ng tainga. "I love you, asawa ko."
"Akala ko ba hindi ka pa sigurado kung mahal mo 'ko?" tanong ni Kate.
"My tongue slipped," wika ni Ace saka lumayo sa asawa at hinawakan ang magkabilang mukha. "You're so pretty. Y—You're so sexy and you're mine."
BINABASA MO ANG
4. The CEO's secret
General FictionHindi madaling magpalaki ng anak bilang single mom. Nandiyan ang financial, emotional and physical stress. Dagdagan pa ng mga marites sa paligid na walang magawa kundi ang bantayan ang buhay niya. Hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa pagdad...